Pagtiyak ng Malacañang Pinas hindi magiging ‘tuta’ ng China
MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na hindi magiging ‘tuta’ ng China ang Pilipinas matapos ang 4-araw na state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing at sa pakikipag-usap kay Chinese President Xi Jinping, ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
“Philippines will not be subservient to China,” paliwanag pa ni Sec. Panelo sa media briefing sa Malacañang patungkol sa naging pahayag ni US State Department Assistant Sec. Daniel Russel na bumisita sa Pilipinas.
Nilinaw din ni Sec. Panelo na hindi pinuputol ni Pangulong Duterte ang ugnayan nito sa Estados Unidos.
“There is confusion because they refuse to understand. The President only wants independent foreign policy,” paglilinaw pa ni Panelo.
“We are the masters of our own fate and the captain of our own destiny”, giit pa ng chief presidential legal counsel.
Magugunita na dumating sa bansa si Asec. Russel at nakipag-usap kay DFA Sec. Perfecto Yasay Jr. upang linawin ang nais ipahiwatig ni Pangulong Duterte kaugnay sa sinabi nitong ‘pinuputol’ na niya ang pakikipag-ugnay sa US sa larangan ng military at economic.
Nilinaw din ni Duterte nang dumating ito galing sa China na hindi niya pinuputol ang relasyon ng Pilipinas at US sa larangan ng military at economic dahil hindi niya ito maaaring gawin bagkus ay nais lamang niyang maging independent ang Pilipinas at hindi umasa sa US bilang indpendent nation na may independent foreign policy.
- Latest