^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa mga nagpa-‘five-six’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Babala sa mga nagpa-�five-six�

MARAMI ang ‘‘kumakapit sa patalim’’. Sa kawalan nang mapagkukunan nang pambili ng pagkain para sa pamilya, sa mga nagpapautang sila buma­bagsak kahit pa sobra-sobra ang tubo. Wala na silang malalapitan kundi sa “loan sharks’’ na pina­patungan ng sobra ang pinautang. Pati ang mga maliliit na tindera sa palengke ay nasasadlak sa mga nagpa-“five-six”. Karaniwan na sa mga Indian o Bumbay sila umuutang.

Noong nakaraang Mayo, ilang araw makaraang manalong Presidente si Rodrigo Duterte, mariin niyang sinabi na mali ang ginagawa ng Indian nationals na nagpapa-“five-six” sa mga Pinoy. Sobra-sobra raw ang tubo --- 20 percent. Sabi ni Duterte: “Itong mga 5-6 ngayon, kung saan-saan magpapahiram ng pera, pabibilihin pa ng mga kumot at furniture…’’ Kaya sasabihin daw niya sa Indian ambassador ang burden ng Pilipino na mistulang pinapaluhod talaga. Sabi pa ni Duterte, mayroong Indians na pinipilit pabilhin ng tinitindang refrigerators ang Pinoy kahit na wala namang kuryente. Ipadedeport niya ang mga Indian na gumagawa nang ganitong praktis na masyadong mataas na interest. Sasabihin daw niya sa Indian ambassador na pagsabihan ang kanyang mga kababayan.

Hindi lamang mga tindera sa palengke o mga may-ari ng sari-sari store ang nababaon sa “five-six” kundi pati na rin ang mga magsasaka. Mara­ming magsasaka, lalo ang mga naapektuhan ng tagtuyot o napeste ang kanilang mga pananim ang umuutang ng “five-six”. Pangako ni Duterte noong Mayo, pag-aaralan niyang mabuti kung paano hindi mahuhulog sa mga nagpapautang ang mga magsasaka.

Maganda kung maililigtas sa “loan sharks’’ ang mga tindera at mga magsasaka. Ang pamahalaan na sana ang gumawa ng paraan para mapautang ang mga nangangailangan na walang malaking tubo. Kung pagbabawalan ang mga Bumbay, dapat magkaloob ang pamahalaan ng puhunan sa mga nangangailangan. Yung wala nang kolateral para naman hindi mahirapan. Kung ganito ang gagawin, wala nang lalapit sa nagpa-“five-six”.

vuukle comment

LOAN SHARKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with