^

Kutob

Oktubre 25, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang maitatago sa Diyos, alam niya anuman ang intensiyon ng puso. Higit kong pahahalagahan ang sasabihin niya, kaysa sa sasabihin ng iba.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Walang tagumpay na makakamit ang taong umaayaw at sumusuko. Huwag sumuko sa mga suliraning dumarating sa buhay, bahagi lamang ito ng progreso bilang tao. Kung kapos ka ngayon, pagsikapan na mairaos nang magaan ang kalooban at pag-ibayuhin ang pagsisikap para makamit ang ninanais. Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 33, 34 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Magiging maganda ang iyong kinabukasan kung ipagpapatuloy ang iyong pag-aaral sa sariling pagsisikap. Sa halip na sumbatan ang iyong mga magulang, makakabuting simulan mo ang iyong sariling pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 25, 41 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – May sarili kang pag-iisip at paninindigan, kung ano ang dikta ng iyong kusensiya ay siya mong dapat gawin. Hindi maiiwasan ang tsismis o paninira ng kapwa, subalit maiiwasan na mapasubo at mapaaway kung magdadalawang-isip ka muna. Lucky numbers at color for the day ay 2, 24, 34, 42 at red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Malaking pagbabago ang magaganap sa iyong sarili, pagdating ng isang nilalang sa iyong buhay na malamang ngayon mo matagpuan. Siya ang magpapaikot ng iyong mundo. Suba­lit darating ang panahon na siya rin ang magbabagsak ng mala­king bato sa iyong ulo. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 29, 42 at beige. 

PISCES (Pebrero19 - Marso 20) – Nanganganib ang katuparan ng iyong mga pangarap dahil pinanghihinaan ka ng loob. Kung ang iyong pakay ay hindi labag sa batas ng Diyos at tao, walang dahilan para panghinaan ka ng loob. Huwag mangiming magtapat kung totoong mahal mo siya. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Matutong umunawa sa sitwasyon ng kapwa upang hindi makasakit ng kalooban. Kahit may katuwiran, maging mahinahon at mapagkumbaba. Ito ang mga dapat baguhin sa ugali para dumaloy ang suwerte. Ang hindi inaasahang okasyon ay may pagkakataon na magpapabago sa landas ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 29, 34 at white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magandang balita sa may positibong pananaw dahil nasa landas ang kaunlaran sa simula ng taon. Walang suliranin o sagabal sa binabalak na gawain o ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 28, 37, 42 at pink.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung may iniisip gawain, ituloy kaagad nang may makita ang magandang resulta. Iwasan ang magbiro at pumuna dahil madadala ito sa buong taon. Simulan na maging seryoso sa lahat ng bagay at tiyak may magandang pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 29, 38 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May biglaang pagbabago sa takbo ng buhay. Mangyayari ito  kaya dapat maghanda. Simulan magplano sa mga gagawin at tiyak maganda ang kalalabasan. Kung tututukan ang negosyo at iiwasan ang mga bisyo, tiyak lalago. Lucky numbers at color for the day ay 6, 16, 27, 40 at cream.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung taimtim ang pana­langin tiyak mabibigyan ng liwanag ang landas na tina­tahak. Kung pangunahing suliranin ang pera, mare­re­solba kung malinis ang paggamitan. Dahil malamang may tutulong. Magpakatotoo, huwag magsinungaling. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 23, 37 at peach.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maganda ang sig­nos ng Virgo dahil walang problema at magiging masaya sa piling ng pamilya o mga kaibigan. Kaya lang ngayon, dapat lawakan ang pananaw at pagsikapan upang makamit ang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 30, 43 at purple.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – May katapat ang lahat, kung gumawa ng kabutihan ngayon, matatanggap­ ang gantimpala. Kung gumawa ng kasamaan pagbaba­yaran. Makakatago o magagawa ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 18, 38 at cream.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with