^

True Confessions

Ang Magkapatid (27)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SAAN ka kukuha nang pang-tuition sa college Kuya?” tanong ni Ada na sa tinig ay nag-aalala rin dahil ang pagtitinda lamang ng gulay ang kanilang inaasahan. Hindi magkakasya ang kinikita kapag nag-tuition na sa kolehiyo.

“Hindi ko pa alam, Ada. Pero bago siguro mag-enrollment ay mayroon na akong magagawang paraan. Sa ngayon, hindi ko muna pinuproblema ‘yan. May dalawang buwan pa bago mag-enrollment.’’

“Naniniwala ako na may magagawa ka Kuya.’’

“Kapag may naisip na akong paraan, sasabihin ko sa’yo.’’

“Ano kaya at dagdagan natin ang tindang gulay, Kuya.’’

“Wala tayong puhunan. Isa pa, mahirap din dahil baka mabulok lang. Okey na ang tinda nating gulay. Mayroon akong naiisip pero hindi pa ako nagde-decide. Pag-aaralan ko munang mabuti.’’

“Sabihin mo sa akin, Kuya kung ano ang balak mo.’’

“Oo, sasabihin ko sa’yo.’’

“Kung wala ka nang maisip na paraan, titigil muna ako sa pag-aaral at ako ang bahalang mag­tinda.’’

“Hindi! Walang titigil sa atin. Hindi makakasolb yun sa problema. Gagawa ako nang paraan para tuluy-tuloy tayong makapagpag-aral at on-time maka-graduate.’’

“Kasi baka mahirapan tayo.’’

“Matagal na naman tayong naghihirap pero nakakaraos. Tiyagaan lang ‘yan. Ako ang bahala.’’

“Sige Kuya. Basta ikaw ang nagsabi, okey.’’

 

NAGTAPOS ng high school si Ipe na may karangalan. Ang kapatid na si Ada ang nagsabit ng medalya. Nakaraos ang graduation. Dumalo si Karla na hangang-hanga sa magkapatid.

At habang papalapit ang enrollment sa kolehiyo, nag-iisip na nang todo si Ipe kung paano madadagdagan ang kita. Mahirap nang pagkasyahin ang kita sa pagtitinda. Kailangang magpasya na siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG MAGKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with