^

Dr. Love

Lihim na pinagtatakpan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Panganay ako sa aming apat na magka­kapatid, na tanging nakakaalam nang ma­tagal nang lihim ng aming pamilya.

Hindi na nakaporma si inay na ipagtapat sa akin ang tunay na estado ng aming­ pa­milya nang makita mismo ng aking mga mata ang pagtataksil ni tatay.

Kinumpronta ko noon din ang tatay ko, pero nagkibit-balikat lang siya at sina­bing alam daw ni inay ang tungkol sa ka­nila ng kanyang babae. Matagal na po palang pinagtatakpan ng aming ina ang kabu­lastugan ni tatay.

Ayaw daw niyang mahinto ang aming pag-aaral at mawalan kami ng respeto sa aming sariling ama. Napapaiyak po ako sa hindi birong pinagdaraan ng aming­ ina.

Dahil bukod pa pala sa nakita ko ay may iba pang babae ang tatay, ang isa pa ay naanakan daw. Pero nakiusap si inay na huwag kong ipaalam ang bagay na ito sa iba ko pang mga kapatid. Gusto raw muna niyang makatipon ng sapat na ebidensiya para makapagsampa ng annul­ment.

Dr. Love, gusto ko pong malaman din ng mga kapatid ko ang tunay na sitwas­yon ng aming pamilya, pero napipigilan ako kapag naaalala ko ang pangako ko kay inay na hindi ito malalaman ng mga kapatid ko. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy pang pagtatagumpay ng inyong malaganap na column.

Gumagalang,

Kristine

Dear Kristene,

Nakakalungkot ang ganyang kalaga­yan ng pamilya. Pero kung ako sa’yo ay panatilihin mo ang respeto sa pakiusap sa’yo ng iyong ina. Lagi mo siyang isama sa iyong panalangin para matiyak niya sa kanyang puso ang pinakamabuting gawin para sa inyong pamilya.

 DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with