^

Probinsiya

Notoryus drug pusher, arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Arestado ang pinaghihinalaang tulak ng droga makaraang bumangga ang sinasakyang kotse habang hinahabol ng mga pulis sa Barangay Lalig sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng madaling araw.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Alvin Consolacion, hepe ng Tiaong PNP, pormal na kinasuhan ang suspek na si Nimuel Abing, 37, ng Purok Maligaya sa Barangay Gulang gulang, Lucena City, Quezon.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PAIDSOTG laban sa suspek.

Nakahalata umano ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya ito sumakay sa Toyota Corolla (UBT-458) saka tumakas patungo sa San Pablo City.

Habang hinahabol ng mga awtoridad ang suspek ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at tuluyang bumangga sa sinage ng kalsadang ginagawa.

Nasamsam sa suspek ang 11 gramo ng shabu, isang baril at mga drug paraphernalia habang nasakote rin ang kasama nitong si Wendel Bas ng Candelaria, Quezon na nakumpiskahan ng ilang plastic sachet ng shabu at isang baril.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with