^

Punto Mo

EDITORYAL - Bantayan, mga ganid at tusong negosyante

Pang-masa
EDITORYAL - Bantayan, mga ganid at tusong negosyante

AYON sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 12 tao ang namatay sa pananalasa ng bagyong Lawin sa Nor-thern Luzon noong Huwebes. Signal No. 5 ang lakas ng bagyo. Grabeng tinamaan ang Cagayan at Isabela at mga probinsiya ng Pangasinan, La Union, Mountain Province at Ilocos Norte. Maraming pananim ang nasira sa halos limang oras na walang tigil na pagbayo ng hangin. Maraming nawasak na bahay at maraming kalsada ang hindi madaanan dahil sa nagbagsakang puno. Bumagsak ang mga poste ng kuryente at hanggang sa kasalukuyan, hindi pa naibabalik ang kuryente sa maraming lugar.

Sa kabila na maraming nasirang ari-arian, marami pa rin ang nagpapasalamat sapagkat kakaunti ang namatay sa pananalasa ni Lawin, hindi katulad nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Eastern Visayas noong Nobyembre 2013 na 6,000 ang namatay. Ayon sa mga residente ng Cagayan at Isabela, ngayon lang sila nakaranas nang ganoon kalakas na bagyo. Sabi ng mga residente, akala nila ay hindi na titigil ang bayo ng ha-ngin na nagsimula ng alas onse ng gabi noong Huwebes.

Ang maagap na paglilikas sa mga residente ang dahilan kaya kakaunti ang namatay. Madaling sumu-nod at nagtungo sa evacuation centers. Hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang mga nasa evacuation centers sapagkat ang karamihan ay wala nang uuwian dahil nawasak. Marami sa evacuees ang umiiyak sapagkat hindi nila malaman paano itatayo ang kanilang bahay. Wala silang gagastusin sa konstruksiyon.

Ang ganitong panahon ang inaabangan ng mga mapagsamantalang negosyante. Sa kabila nang sinapit ng mga kababayan, ang pananamantala at pagkita nang malaki ang nasa isip ng mga negosyante. Itataas nila nang todo ang kanilang mga produkto lalo na ang construction materials –yero, pako, semento, alambre, coco lumber at iba iba. Wala silang iniisip kundi ang malaking tubo.

Dapat kumilos ang Department of Trade and Industry at i-monitor ang mga mag-o-over price na negosyante. Sasamantalahin nila ang pagkakataong ito. Hindi dapat manaig ang mga tuso at ganid.

vuukle comment

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with