^

Entertainment

‘Don’t Talk To Lover While Buss Is In Motion!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Don�t Talk To Lover While Buss Is In Motion!�
That’s me and Eileen imitating Antonio Canova’s ‘Psyche Revived By Cupid’s Kiss’ at The Louvre. Hindi kaya CPR originally means Cupid’s Psyche Resuscitation?

Halik ay isang lihim na sinabi hindi

Sa mga pandinig kundi sa mga labi;

Ang buong kaluluwa na ang bumabati

Na wala nang mga salitang namutawi!

 

‘Yay para sa dalawang pusong umiibig,

Higit sa kabataan nila’t unang halik!

Kung ilalarawan mata pa’y nakapikit!

May kaba’t kilig pa’t tila nananaginip!

 

Romeo at Julieta ang dating kumbaga,

‘Di na nga sakop si Malakas at Maganda!

Ang dapat kasi sa maromansang eksena —

Ating mga tauhan may “kahihiyan” na!

 

‘Yun bang lipos ng sining, tulain at drama!

Tulad nung nagkahawaka’t nagsayaw sila,

‘Di napigilang ibulong ng ating bida,

“Mga labi natin tulad ng kamay… sana!”

 

Nagbabago kasi ang labi sa pagdikit,

Parang panahon — paggabi wala nang init!

Paglipas ng taon nawawala rin bagsik,

Lumilipas din tamis at maging ang lagkit!

 

Hindi n’yo na aasahang magkagatan pa

O magsupsupan ng dila ang lolo’t lola!

Nalalabi na lang pag labi na’y pahinga —

Amoy, simsim sa kaunti na lang hininga!

 

Mula sulok na ito’y pagbating may galak

At kalakip ang isang halik na may yakap!

Kung wala raw yapos ay ‘di magiging sapat,

Mistulang bulaklak na walang halimuyak!

 

Maraming sayang na halik kung tutuusin,

‘Di ba nga’t magkaterno YAKAPSULE — KISSPIRIN!

At kahit pa nga medyo maasim ang dating —

KISABAYHAG or KISS SABAY HUG nauso rin!

 

Marami nang nabanggit tungkol sa paghalik

Maging sa paniwalang wasto n’yang paggamit,

Tulad sa isang pagkikita’t paglalapit,

Yaong mas bata raw dapat unang humalik!

 

Paghalik sa kamay ng isang binibini,

May lalim kahulugan para sa lalaki

At s’ya lang ang tunay na makapagsasabi,

Ang tiyak lang — may paggalang s’ya sa babae!

 

Sa puntong ito dumaan sa alaala

Isang eksena sa isa kong pelikula,

Hindi ito salaula ‘wag mag-alala,

Lahat kissing scenes ko nama’y nakakatawa!

 

Mahinhing babae nang hahalikan ko na,

Bigla akong pinigil na nahihiya ba,

Hindi raw s’ya marunong at hindi sanay pa,

“Oks lang! Ako sanay na!” sabi ko sa kanya!

 

Ngek! At sa “Long Ranger & Tonton” may isa pa —

Nang hahagkan na ang isang Indian na may kaba,

Inilagay sa panatag loob n’ya muna,

Halik pinaliwanag pa ng ating bida!

 

Dami kong sinabi sa naturang eksena,

Tungkol pa yata birds and bees tinalakay pa

Nang Indian batakin ako’t dumayalog na,

“Ikaw dami daldal!” at ako tinuka n’ya!

 

Kaya asiwang sabay ang kisses at talkies,

Oks lang siguro kung ‘yung girl iyo nang misis!

Pwede mong sabihin na walang maiinis —

“Naparami yata ang kinain mong bopis!”

 

Sa sinabi kong ito ano ating lesson?

Sabi rin ng mga naunang generation

Na ‘wag magsasalita kapag lumalamon!

Basta, DON’T TALK TO LOVER WHILE BUSS IS IN MOTION!

 

vuukle comment

BUSS

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with