^

PSN Opinyon

Humanda tayo pag may bagyo

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA buong buhay ko ngayon lang ako nakarinig ng bagyong signal #5. Noong isang araw, nanalasa ang super bagyong Lawin sa Cagayan, Isabela at ilang bahagi ng Northern Luzon. Maraming nawasak na mga bahay, nawalan ng bubong ang mga eskuwelahan, binaha ang mga taniman ng palay at mais, nalunod ang mga alagang hayop, maraming natumbang puno at poste ng kuryente at nawalan din ng komunikasyon. Meron ding namatay sa kabila ng mahigpit na babala ng mga lokal na opisyal.

Mabuti naman at maagap ang pag-aanunsyo ng PAG­ASA. Nagbabala na huwag balewalain ang super bagyong Lawin. Maaga ring makapaghanda ang local government unit (LGU) sa bagyo, nag-ikot sila sa mga barangay upang ipatupad ang forced evacuation sa mga pasaway nating mga kababayan. Humahanga ako sa mga local na opisyal ng probinsya dahil puwer­sahan nilang pinalikas ang mga mamamayan para lang masiguro na sila’y maging ligtas sa sakuna. Ayaw nilang maulit ang nangyari nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Central Visayas noong Nobyembre 2013 na 6,000 tao ang namatay.

Dito sa Metro Manila, signal #1 ayon sa PAGASA. Mabuti na lang at hindi tayo tinamaan ng bagyong ito pero nag-iwan naman ng tone-toneladang basura sa Roxas Boulevard. Nagkansela rin ng klase ang buong NCR, siniguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Masaya ako dahil hindi naging pabaya ang ating gobyerno sa paghahatid ng ayuda sa mga binagyo. Maagap na nagpunta ang ating bise presidente at nanga­ko ng tulong sa pagpapatayo ng mga bahay. Magbibigay din ng salary loan ang iba’t ibang government lending institution tulad ng SSS, GSIS at Pag-IBIG. Diyan makikita ang ating pagka-Pilipino pag may dumating na sakuna, tayo ay nagkakaisa.

Sana maging aral sa atin ang nangyari noong bagyong Yolanda. Ganyan ang gusto kong matutunan ng bawat isa, “laging handa”.

 

           

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with