^

PSN Opinyon

Hihiwalayan na ang US

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANO naman kaya ang paliwanag ng mga miyembro ng Gabinete ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang pinaka­bagong pahayag hinggil sa US, kung meron man? Sa isang talumpati sa China, ipinahayag niya ang paghiwalay ng Pilipinas sa US, partikular sa aspeto ng militar at ekonomiya. Pinalakpakan siya ng mga nakinig sa kanyang talumpati, na binubuo ng mga negosyanteng taga-Pilipinas at China. Mukhang malaking perang puhunan ang nakuha ni Duterte mula sa China, kaya malakas ang loob na sabihin ang paghiwalay na sa US.

Pero tama ba ito para sa bansa? Ito ba ang gusto ng karamihan ng Pilipino? Alam ko na may personal na galit si Duterte sa US. Bukod sa pagpuna ng US, kasama na ang UN at EU, sa kasalukuyang madugong kampanya laban sa iligal na droga, lumabas na rin ang pagsita sa kanya sa Los Angeles noong mayor pa ng Davao City. Kaya may personal nga na galit. Sapat na ba iyan para putulin na ang relasyon sa US? Sapat na ba iyan para itaboy ang matagal nang kaalyado? Dahil napikon sa US? Ang gusto pa nga ni Duterte ay kailanganin na rin ng mga Amerikano ng visa para makapunta sa Pilipinas, para “makabawi” raw.

Ayon sa batas, kailangan ng aksyon mula sa Senado kung kakanselahin ang isang kasunduan. Ibig sabihin, kailangang may boses ang Senado kung ititigil na ang EDCA, VFA pati na rin ang Mutual Defense treaty. Pero hindi mahirap gawin ng Senado iyan at maraming kaalyado si Duterte na senador, kahit sabihin pa ni Sen. Dick Gordon na mali ang Presidente sa kanyang paghiwalay sa US. Mangyayari at mangyayari na ito. May reaksyon kaya si dating Pres. Fidel Ramos sa bagong pahayag na ito?  

Wala pang reaksyon mula sa US hinggil sa pina-ka­bagong pahayag ni Duterte. Baka pinag-aaralan na rin nila kung ano ang isasagot. Magmula nang magsalita si Duterte laban sa US, diplomasya pa rin ang kanilang tinatahak na daan. Pero kung ganitong inaanunsyo na ni Duterte ang paghihiwalay sa isang opisyal na talumpati, habang nasa China, baka iba na ang reaksiyon ng US.

vuukle comment

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with