^

PSN Showbiz

Wa honeymoon Alden nag-mall tour agad pagkakasal!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

‘Katuwa ang fans sa wedding nina Alden Ri­­chards at Maine Mendoza sa Kalyeser­ye ng Eat Bula­ga dahil nagsigawan sa “I Do” part ng dalawa. Nauna pa silang mag-“I Do” kesa kina Al­den at Maine. Kilig na kilig ang fans dahil sa dalawang beses na lips to lips nina Alden at Maine.

Hinihintay ng fans ang honey­moon nina Alden at Maine.May mga nadismaya nga dahil after the wedding, may mall tour si Alden to pro­mote his Say It Again album. Ini-expect kasi nilang magkasama ang dalawa the whole day.

Ang mahirap nitong “kasal” na sina Alden at Maine, siguradong mas magiging demanding ang ibang AlDub fans at gugustuhing laging magkasama ang dalawa. Mas lalo silang magseselos sa mga mali-link sa dalawa, lalo na kay Alden.

Dating bahay nina Dingdong ginawang imbakan ng donasyon Baby Z tinalo sina Scarlett Snow at Amarah sa pasikatan

Kahit walang government position, tumutulong pa rin si Dingdong Dantes sa nangangailangan thru Yes Pinoy Foundation na kanyang pinamumunuan. Na­nga­ngalap ng donasyon ang foundation para sa mga nasalanta ng bagyong Lawin.

Nakasulat ang address nitong 16-D Spencer St. Brgy. Immaculate Conception, Cubao. Dating bahay ito nina Dingdong. Nang mapadaan kami, parang apartment na ang bahay.

Anyway, nasa Gaisano Grand Fiesta Mall Tabunok sa Talisay, Cebu sina Dingdong, at Andrea Torres, 4 p.m., today para sa Kapuso Mall Show ng Alyas Robin Hood. 

Samantala, nanalong Popular Celebrity Baby si Zia sa Push Awards 2016. Ang ibang nominees ay sina Baby Lucia Intal (anak nina JC Intal at Bian­ca Gonzales), Scarlett Snow Belo (anak nina Hayden Kho at Dr. Vicki Belo), Oli­via Manzano at Ama­rah Khatibi (anak nina Cristine Reyes at Ali Khatibi).

vuukle comment

ALDEN RI­­CHARDS AT MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with