^

PSN Showbiz

Walang paki sa balikan nina Lloydie at Angelica, Maja single pa pero nakikipag-date na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Walang paki sa balikan nina Lloydie at Angelica, Maja single pa pero nakikipag-date na!
Maja Salvador

PIK: Ikinuwento ni AiAi delas Alas na kaka­ibang experience raw talaga sa kanya ang pagdalo niya sa 12th Eurasia International Film Festival sa Kazakhstan na kung saan kasali ang pelikula niyang Area.

“Grabe. Doon ko nakita na maganda pala ang bansang ‘yun. Para siyang Europe na maliit na malamig. Ang mga tao ang gaganda, ang babait din nila,” pakli ng Comedy Queen.

Natawa siya nang tinanong namin na sikat na sikat pala siya sa filmfest na ‘yun. “Slight lang naman,” sagot nito. Ang dami raw umasang siya ang hihiranging Best Actress, pero sobrang masaya na raw siya nang binigyan ng Special Jury award ang kanilang pelikula.

Yung Special Jury sobra-sobra na ‘yun. Parang 1st runner-up na Best Film ‘yun dun eh. So, ang nangyari na parang ang buong film na maganda. Parang nanalo na rin ako Best Actress,” saad ni AiAi.

PAK: Ayaw mag react ni Maja Salvador sa napabalitang nakitang magkasama raw sina John Lloyd Cruz at Angelica Panga­niban. “Wala akong masabi dun kasi friends naman sila. Maganda nga kahit wala na sila, friends pa rin sila,” pakli ng kapamilya aktres.

Nilinaw niyang single  siya at walang namamagitan sa kanila ni Lloydie dahil tatay ang turing niya rito.  Pero da­ting daw siya sa ibang guys at hindi naman daw exclusive. Pero single raw siyang dadalo sa Star Magic Ball sa Sabado.

BOOM: Masama ang loob ng go­vernor ng isang lalawigan sa bandang Kabikulan sa sexy star na ginu-groom maging big star ng isang malaking TV network.

Inimbitahan siyang dumalo sa fies­ta ng lalawigang ito pero nagpa­kita ng kamal­ditahan itong si sexy star na hindi nila nagustuhan. Ang usapang dala­wang kanta ay isang kanta lang ang ginawa. Nairita raw ito dahil sa pinaupo siya sa tabi ng go­vernor nang tinawag na ito sa stage. Bakit daw siya kaila­ngang paupuin pa sa stage. Ang gusto lang pala niya ay pagda­ting nito ay isalang siya agad at alis na.

Pero siyempre, natutuwa naman ang mga taga­roon na makita ang kagandahan nitong si mestisang sexy star at ang iba ay magpa-picture sa kanya. Ayaw niya pala ng ganun! Kaya nakasimangot na raw ito sa stage, at sa halip na dalawang kanta, isa na lang ang ginawa niya.

Ang ikinasama pa ng loob ni governor, nakarating sa kanya na sinabi raw nitong sexy star na kaya ayaw daw niyang umupo sa tabi nito ay baka mapagbintangan na naman daw siyang nagpa-PR sa mga pulitiko. Baka raw sabi­hing dyowa na siya ni governor.

Ganun na raw ba kapraning itong si sexy star na baka matsismis na naman siyang bumalik sa dati niyang trabaho?

Sabi ni governor, nagandahan naman daw siya kay sexy star, pero hindi raw niya ito type at masaya raw siya sa piling ng asawa niya. Bakit ganun na raw agad ang naisip nitong si sexy star?

Kamakalawa lang dumalo roon itong si sexy star na hindi pa yata alam ng manager niya ang raket na iyun.

 

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with