^

PSN Palaro

Mapua optimistiko sa back-to-back title

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Optimistiko ang Mapua na masungkit ang back-to-back titles dahil manana­tiling solido ang kanilang koponan sa susunod na edisyon ng NCAA juniors basketball tournament.

Nakasakay pa ang Red Robins sa alapaap matapos kubrahin ang kampeonato sa Season 92 kung saan hinubaran nito ng korona ang San Beda sa bendisyon ng 84-67 pananaig sa rubber match ng best-of-three finals.

Ngayon pa lang ay nakatuon na ang atensiyon ni Mapua coach Randy Alcantara sa pagbalangkas ng plano para sa tangkang ikalawang sunod na kampeonato.

“We’re only losing three players this year so we’ll have a good chance of repeating next year,” ani Alcantara.

Tinukoy nito sina Sherwin Concepcion, Jasper Salenga at Finals MVP Bryan Semudio na mga mawawala sa lineup ngunit may isang taon pa upang makagawa ng paraan para punuan ang mababakanteng puwesto ng tatlo.

Dahil dito, maiiwan ang pasanin kina Brian Lacap, Clint Escamis, Juaquin Garcia, Warren Bonifacio, Romuel Junsay at Will Gozum na siyang sasandalan ng Red Robins.

vuukle comment

MAPUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with