^

PSN Showbiz

Paolo na-master na rin ang mukha ni Anne

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Pa-Japan pala si Paolo Ballesteros. Absent na naman siya sa Eat Bulaga gayong kababalik pa lamang niya.

Dadalo ang matagal ding nasuspindeng Dabar­kads sa Tokyo International Film Festival dahil may movie siya na kasali rito, ang Die Beautiful. Magaganap ito sa Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3.

Ang Die Beautiful ang isa sa dalawang ginawa niya habang wala siya sa pangtanghaling programa nina Tito Sotto, Vic Sotto, & Joey de Leon. Ang isa pa ay ang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend? na showing na sa October 19 at pinagbibidahan nila ito nina Anne Curtis and Dennis Trillo.

Bida siya sa Die Beautiful na tungkol sa isang trans woman na hanggang sa kamatayan ay gustong maging maganda. Balak sana itong gawing full-length comedy pero nahaluan ito ng drama at naging isang ser yosong movie.

Bukod sa nagawang kapaki-pakina­bang ni Paolo ang kanyang panahon habang wala sa Eat Bulaga, napaunlad din niya ang kanyang talento sa pagmi-make up. Nakita na kung gaano siya kagaling na gayahin sina Taylor Swift, Kim Kar­dashian, Miley Cyrus, Drew Barrymore, Cameron Diaz, Megan Young, at Nora Aunor. Pinakahuling ginaya niya ay si Anne Curtis. Wala siyang alinla­ngan na mailalagay niya ang mukha ng aktres sa mukha niya. Natuwa siya nang magustuhan ni Anne ang ginawa nitong panggagaya. Nagawa niyang ilipat ng mukha nito sa mukha niya. Isang hobby ito ni Paolo na nagpapasaya sa kanya at nagpapakilala sa kanya hindi lamang dito sa bansa.

Kris wait pa more kung magkaka-TV show pa

Hindi naman pala hinahabol ni Kris Aquino si QC Mayor Herbert Bautista. Kasama lamang at makakausap siguro ang hanap niya. ‘Yung balikan na kinatatakutan ng marami sa hindi malamang kadahilanan ay wala sa kanyang agenda. Pero, wala nga ba, Kris?

Mas pinagtutuunan ng pansin ‘yung paglipat niya ng network na hanggang ngayon ay wala pa ring linaw. Bukod kasi sa enthusiasm na ipinamalas niya nu’ng kababalik pa lamang nila ng mga anak niya sa bakasyon ay tila nag-iba na ang ihip ng hangin ngayon. Mayroon na siyang parang nagsisisi sa pagpayag niyang layasan ang istasyon na nag-alaga sa kanya at tratuhin siyang parang reyna.

Hindi mamabutihin ng TAPE, Inc. na siyang nagpaparamdam ng interes na makuha ang kanyang serbisyo ang kanyang pag-uurong-sulong. May pride sila, noh! Kaya hayun, naghihintay siya ng walang hanggan.

Ogie at Janno iniistima na ang Dos?!

Mabuti pa ang magkaibigang Ogie Alcasid at Janno Gibbs, baka bigla-bigla na lang malaman na Kapamilya na pala sila. Baka biglang magka-show ang dalawa sa Dos kaysa sa inaasahang sa Siete. Parehong napagkikita ang dalawa sa bakuran ng mga Lopez tulad noong anniversary concert ng FPJ’s Ang Probinsyano. Ito ay kahit nabalitang babalikan ng asawa ni Regine Velasquez ang istasyong walang balak na iwan ng kanyang asawa.

Hayyy, ang rigodon sa telebis­yon ay nakakahilo na!

Dingdong may kumakalat  na video 

In fairness kay Dingdong Dantes, noon pa man ay attention-getter na siya kaya naman hindi na kami nagtaka sa isang viral video niya na habang isinusulat ang kolum na ito ay may more than 52,000 views na. Miyembro siya ng isang cheering squad ang viral ngayon sa social media. Ayon sa netizens, doon pa lang sa video ay kakikitaan na ng potential ang Kapuso Primetime King na bida sa Alyas Robin Hood.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with