Tserman todas sa buy bust
CAMARINES NORTE , Philippines – Isang barangay chairman ang napatay makaraang manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Inarado, Daraga, Albay kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si Punong Barangay Rommel Marticio ng Barangay Inarado. Nabatid na nakahalata umano ang tserman na isang pulis ang kanyang ka-transaksyon nang magsagawa ng buy bust operation ang magkatuwang na operatiba ng Provincial Police Safety Company, Intelligence Bureau at lokal na pulisya sa lugar dakong alas-4 ng hapon. Dito, nanlaban umano ang opisyal subalit naunahan ng mga awtoridad. Nakuha sa suspek ang ilang gramo ng shabu at cal. 38 revolver. Batay sa rekord ng pulisya, ang suspek ay nasa talaan bilang isang high value target (HVT) drug personality sa nasabing bayan.
- Latest