^

Metro

Parak patay sa sariling firearm

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis matapos aksidenteng bumagsak at pumutok ang service firearm, kamakalawa sa Parañaque City.

Dead-on-arrival sa Unihealth Hospital ang biktimang si PO3 Ryan Buccat, 37, nakatalaga sa District Public Safety Batallion ng Southern Police District (SPD), at naninirahan sa Brgy. San Antonio ng naturang lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib buhat sa kanyang service firearm na .9mm Berretta Pistol.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-4:10 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima .

Ayon sa misis nitong si Daisy, 33, nag-aayos siya ng kanilang hapunan habang naghahanda naman ang kanyang mister na si PO3 Buccat ng mga personal nitong gamit sa kanilang kuwarto para sa pagdu-duty nito.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang putok ng baril mula sa kanilang kuwarto na nang kanyang tignan ay doon na niya na­kita ang duguang asawa,

Agad itong isinugod sa ospital subalit hindi na umabot pang buhay.

Malaki ang hinalang aksidenteng bumagsak ang baril ng pulis na pumutok at tumama sa kanyang dib­dib. Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

JOMA SISON

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE'S ARMY

PEACE TALKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with