^

Metro

Ret. pulis MPD, iimbestigahan sa Balcoba slay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Isasailalim sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) ang isang retiradong pulis sa Maynila na iniuugnay sa pagpatay sa kolumnistang si Alex Balcoba, Sr. noong Biyernes ng gabi sa Quaipo, Maynila.

Hindi muna ibinunyag ng MPD ang pangalan ng retiradong pulis bunsod na rin ng kanilang  isinasagawang  imbestigasyon.

Ayon kay Sr. Insp. Rommel Anicete, Hepe ng MPD-homi­cide section, sinasabing huling nakaaway ni Balcoba ang nasabing retiradong pulis noong nakaraang buwan kaya kanila na itong ipinatawag para sa imbestigasyon.

Na-track na rin aniya nila ang nilalaman ng cellphone ni Balcoba kung saan may pagbabanta ang suspek dito.

Gayunman, ipinaliwanag ni Anicete na bagama’t kumpirmadong isang gun-for-hire ang pumatay kay Balcoba at  hangga’t hindi maaresto ang gunman ay wala ring direktang mag-uugnay sa suspek at hindi rin ito masasampahan ng kaso.

Sinabi ni Anicete na noon pang 2012 nagsimula ang away ni Balcoba at ang retiradong pulis na nag-ugat sa kanilang negosyo na  kapwa inuukupahan ng dalawa.

Sinampahan umano ni Balcoba sa korte ang pulis habang kinasuhan naman nito ng libel si Balcoba. Na dismiss ang mga isinampang kaso ni Balcoba habang naka-pending pa ang kasong libel na isinampa ng pulis laban sa kanya.

Bukod sa retiradong pulis Maynila, isa pa ring opisyal ng MPD ang nakabangga ni Balcoba  na umano’y  pinagbantaan rin nito si Balcoba.

Nauna na ring nagkaloob ng P100K reward sa sinumang makakapagturo sa pumatay kay Balcoba.

Inilabas na rin ng MPD ang cartographic sketch sa suspek.

vuukle comment

CABINET MEMBERS

CORRUPT JOURNALISTS

MEDIA KILLINGS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with