^

Punto Mo

30 kilos ng shabu na nakumpiska sa Cavite, galing sa police unit sa Metro?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGLILIGPIT na ng kanilang huling supply ng shabu ang mga drug pushers sa Metro Manila habang palapit ang araw ng pag-upo ni Pres.-elect Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Takot ang mga drug pushers na tatamaan sila ng kidlat ni Duterte na uupo na sa Hunyo 30. Kumikilos kasi ang mga brgy. officials at kinakausap ang mga drug pushers na magsitigil na sila sa kanilang ilegal na negosyo at baka masampol sila ni Duterte na nangakong susupilin ang problema ng droga sa bansa sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan. Sa ngayon pa lang, nag-umpisa nang kumilos ang PNP at NBI para isulong ang programa ni Duterte at marami na ang natumba sa kanila. Sa utos naman ni NCRPO chief Dir. Joel Pagdilao, binabago na ng 5 district directors at 38 station commanders ang kanilang order of battle laban sa mga drug personalities sa Metro Manila. Sa ilalim kasi ng Lambat Sibat ng PNP, itong 5 police districts at 38 police stations ay nagkaroon ng tig-10 target noong panahon ni DILG Sec. Mar Roxas at madami naman sa kanila ang naaresto na. Kaya’t sa pagbago ng watchlist laban sa drug personalities, ang mga bgy. officials ang nabigyan ng malaking papel ni Pagdilao para gumawa ng listahan dahil kilala nila ang mga residente nila. At may ilan kasi sa mga drug pushers ay mismong drug officials o kamag-anak ng mga barangay chairman kaya’t kinausap sila na magbago at baka madamay sila sa kampanya ni Duterte. Ang sagot ng mga drug pushers ay uubusin lang nila ang nakatagong supply nila hanggang Hunyo 29, o isang araw bago maupo sa puwesto si Duterte. Punyeta! Positive na sangkot din ang ilang tiwaling ibang brgy. officials sa paglaganap ng droga sa bansa, di ba mga kosa? Tumpak!

At dapat din sigurong arukin ni PNP chief-in waiting Chief Supt. Ronald de la Rosa ang ikinakanta nitong si Ariel Ajido, 33, na ang nakumpiskang 30 kilos ng shabu sa bahay nya sa Cavite noong nakaraang Linggo ay galing mismo sa isang police unit sa Metro Manila. Usap-usapan kasi sa Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) sa Camp Crame na umamin itong si Ajido na miembro s’ya ng isang Chinese drug syndicate at ang trabaho n’ya ay ang mag-deliver ng kilo-kilong shabu sa mga drug pushers. Ikinanta ni Ajido sa AIDG probers na nahuli siya ng anti-drug unit ng NCRPO subalit hindi kinasuhan kundi ginawang asset para dumami ang accomplishment nila. Ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, ang sistema pala ng police unit na ito ay hinuhuli ang mga bumibili ng shabu kay Ajido subalit kalahati lang sa nakumpiskang shabu ang dinideklara at ang natitira ay ibinabalik sa kalye. Get’s n’yo mga kosa? Itong police unit ay nakakumpiska ng 32 kilos sa Maynila at kung si Ajido ang paniniwalaan, kalahati dito ay itiningi din sa kalye. Gan’un ba ‘yon mga kosa? Punyeta! Dapat makipag-usap itong si De la Rosa sa AIDG para maarok kung anong police unit ang itinuturo ni Ajido para matapon sa Mindanao ang buong personnel nila, di ba mga kosa? Tumpak!

Nahuli din ng NBI itong si PO2 Jolly Aliangan na inakusahan nilang re-seller ng shabu sa Sampaloc, Manila. Subalit sa kanyang counter affidavit sa Department of Justice (DOJ), idiniin ni Aliangan na ini-extort s’ya ng NBI sa halagang P6.9 milyon na nakumpiska sa vault sa bahay n’ya sa Palawan St., sa Sampaloc. Ang pera, ayon kay Aliangan ay pag-aari ng nanay n’ya na nagbebenta ng alahas samantalang ang droga na nakumpiska sa kanya ay planted ng NBI! Hehehe! Naghahanap ng gray area sa batas itong si Aliangan para makapag-piyansa s’ya, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan. Kahit ano pa ang sasabihin ni Aliangan, sinisiguro ni Pagdilao na tigbak na s’ya bilang miyembro ng PNP. T’yak ‘yun!

Habang sinusulat ko naman ang kolum na ito, nakumpiska naman ng AIDG sa pamumuno ni Sr. Supt. Andy Suan ang nagkakahalagang P1.2 bilyon na liquid shabu sa Angeles City, Pampanga. Maganda itong panimula ng kampanya ng PNP at NBI laban sa droga at bahala na ang mag-among Digong at Bato na paigtingin pa ito sa pag-upo nila, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

ANTI-DRUG OPERATIONS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with