^

Pang Movies

Betong gustong magka-lovelife ‘pag nakabayad na ng utang!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bago raw sana mag-40 years old ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya ay magkaroon na siya ng girlfriend.

Marami na raw ang nangungulit sa kanya na manligaw siya pero hindi nga ito priority ng 35-year-old comedian.

Uunahin daw niya ang kanyang obligasyon sa kanyang pamilya bago siya manligaw.

“May mga kailangan tayong isakripisyo sa buhay natin.

“Sa tinatakbo ng buhay ko ngayon, mahirap ibalanse ang trabaho at ang personal kong buhay.

“Oo kailangan ko rin ng inspirasyon, pero bread winner tayo, eh.

“So far, maganda na ang mga nangyayari sa amin. Kung dati ay marami kaming mga utang, ngayon ay 75% na ang nababayaran namin.

“Kapag 100% na bayad na lahat ng utang namin, baka sakali puwede ko nang asikasuhin ang sarili ko,” ngiti pa ni Betong.

Dahil mas inuuna ni Betong ang kanyang pamilya kaya naman sunud-sunod ang mga blessings sa kanya.

Si Betong na nga ang masasabing pinaka-busy na comedian ng Kapuso network dahil bukod sa pag-host niya ng Laff, Camera, Action ay napapanood pa siya sa gag show na Bubble Gang, Dishkarte of the Day at sa infotainment show na Ang Pinaka.

Isama pa rito ang parating pagpunta niya sa abroad para aliwin ang mga kababayan natin via GMA Pinoy TV.

Kobe Paras hindi nakita ang tunay na ina nung graduation

Masayang-masaya si Benjie Paras dahil naka-graduate na ng high school ang kanyang anak na si Kobe Paras sa Cathedral High School sa Los Angeles, California.

Lumipad ang buong pamilya ni Benjie sa US para um-attend ng graduation ni Kobe.

Pinost pa ni Kobe sa kanyang Twitter ang isang short video na gawa ng kanyang Kuya Andre na may titulong “Graduation Dab”.

Hindi nga mawawala sa graduation ni Kobe ang kanyang stepmom na si Lyxen Diomampo-Paras. Ito na kasi ang itinuturing na ina nina Andre at Kobe.

Noong 2013 nag-transfer si Kobe mula sa De La Salle-Greenhills para mag-aral sa Cathedral High School.

Kinuha rin si Kobe para maglaro para sa UCLA noong November 2015.

Jennica wala pa sa planong magtrabaho

Matagal nang hindi naging aktibo sa showbiz si Jennica Garcia dahil naging isang mommy na ito.

Noong nakaraang May 27, hindi nga napigilan ni Jennica na magparamdam sa mga nakaka-miss sa kanya via Instagram.

Nag-post doon si Jennica ng kanyang kaligayahan bilang isang ina sa kanyang baby na si Athena Mori Uytingco.

“Tweaked my blog layout a little bit and changed a photo that used to consist of just me and my husband, Alwyn.

“I got all emotional upon doing so since I replaced it with this photo of the three of us.

“I grew up with a broken family that is why I am so thankful to our Creator because He has given me what I always wanted as a child...A family of my own.”

Mukhang matatagalan pa bago magbalik-showbiz si Jennica dahil gusto nitong maging hands-on mom sa anak nila ni Alwyn.

Wala naman daw problema sa ina ni Jennica na si Jean Garcia dahil all-out ang suporta niya sa mag-asawa at mahal na mahal nga niya ang kanyang unang apo na si Mori na malapit nang mag-one year old ngayong July.

vuukle comment

ALEX BALCOLBA

JOURNALIST

MEDIA KILLINGS

PETER LAVIÑA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with