^

Police Metro

Patay muling nabuhay sa morgue

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ganun na lamang ang pagkagulat ng pamilya ng 19-anyos na binata na binaril sa ulo na muli itong nabuhay nang dalhin sa morgue.

Kaya naman ay muling isinugod sa ospital, subalit natuluyan na ito pagkalipas ng kalahating oras.

Ito ang naging  pahayag ng Manila Police District- Homicide Section tungkol sa kaso ng 19-anyos na si Schan Vincent Suva, estudyante ng Paco Reyes St., Tondo, Maynila na binaril sa ulo sa loob ng kanilang bahay na unang idineklarang patay sa Tondo Medical Center.

Ayon sa ama ng biktima na si Johnson Suva, habang nasa morgue sila ng Dulce Funeral Service na kumuha sa katawan ng anak sa Tondo Medical Center ay napansin niyang humi­hinga pa ito kaya’t itinakbo niya sa Chinese General Hospital, dakong alas-8:30 ng gabi, kamakalawa kung saan ay tuluyan na itong binawian ng buhay pasado alas-9:00 ng gabi.

Ayon sa pangyayari na noong Setyembre 2015 ay binaril ng biktima ang isang alyas Christian o “Istan”  na naabutan sa loob ng kuwarto ng nobya.

Bagama’t hindi namatay si Christian ay pinaghihinalaang ito ang bumaril kay Suva, bilang paghihiganti.

Ang insidente ay naganap dakong alas-7:50 ng gabi nang katukin ng apat na lalaki kabilang si Christian ang bahay ng biktima at pagbukas nito ng pinto ay pinaputukan ito sa kaliwang panga na tumagos likurang bahagi ng ulo.

 

vuukle comment

17TH CONGRESS

SENATE PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with