^

Police Metro

Haponesa ni-rape, taxi driver nagbigti

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko sa mga pulis ay mas ginusto pa ng isang taxi driver na magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti matapos na halayin ang isang 21-anyos na Haponesa na kanyang naging pasahero na naganap kamakalawa sa Baguio City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Aiko, estudyante, pansamantalang nanunuluyan sa Bakakeng Central, Baguio City.

Habang ang suspek na natagpuang nakabigti sa banyo ng isang motel ay kinilalang si Ferdinand Pasuli Jr., 26,  may-asawa, taxi driver ng Central Ambiong, La Trinidad, Benguet.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sumakay ang biktima kasama ang isang Yusuke Tanabe sa taxi (AYR-890) na minamaneho ng suspek at pagdating sa Gibraltrar ay unang bumaba si Tanabe.

Sa salaysay ng biktima kung saan-saan umano siya iniikot ng suspek matapos maiwang mag-isa sa taxi na pinaghihipuan pa ng driver sa maseselang bahagi ng katawan saka dinala sa Nova Lodge, Bengao Road, Bakakeng Central ng nasabing lungsod at apat na beses na hinalay.

Nagawa namang makalabas ng kuwarto ng biktima bandang alas-11:30 ng tanghali at agad itong humingi  ng tulong sa kaniyang mga kaibigan upang i-report sa  Police Station 10 ng Baguio City Police ang insidente.

Nang pasukin ng mga pulis ang kuwarto na pinagdalhan sa biktima para arestuhin ang suspek ay natagpuan itong nakabigti sa tubo ng shower sa comfort room gamit ang sintas ng sapatos.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

vuukle comment

BIRADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with