^

Punto Mo

Carabao Man (27)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HUWAG ganyan, JP,” sabi ni Dang sa ma-babang boses. “Si Mr. Kim ang nagbigay sa’yo ng break. Kung hindi sa kanya, baka wala ka sa kinalalagyan mo ngayon.’’

“Siya nga ang nagbigay ng break e ako naman itong artista. Mayroon din siyang utang na loob sa akin. Huwag niya akong hihigpitan at baka layasan ko siya. Naghihintay lamang sa akin ang movie outfit ni Mrs. Lim.’’

Hindi na nagsalita si Dang. Baka pati siya ay masopla ni JP. Pagnagalit ito sa kanya, baka maapektuhan ang masaganang daloy ng pera. Malaki na ang pakinabang niya kay JP mula nang siya ang maging manager nito. Maski si Tasya ay gumanda rin ang buhay. Kung ano ang sabihin ni JP, aamen na lang siya nang aamen. May katwirang magmalaki si JP dahil sobra-sobra na ang pera nito. Parang hindi nababawasan dahil sunud-sunod ang paggawa ng pelikula. Pawang blockbuster ang mga movie. Para bang may agimat si JP na sa unang screening pa lamang ng pelikula ay malaki na agad ang kita. Tubung-tubo ang Dayami Films ni Mr. Kim. Inakyatan ni JP nang mara-ming pera ang papalubog na movie outfit.

“Kapag bukas at pinilit niya akong ura-urada ay gumawa ng pelikula, lalayasan ko siya. Puwede ko namang gawin yun. Mayroon na yata akong abogado na nag-aaral sa kalagayan ko.’’

Nakatungo lang si Dang. Hindi siya magko-comment kahit ga-putok. Hayaan na lang muna niya.

Kinabukasan, dumaan si     JP sa tanggapan ng Dayami Films. Naghihintay na si Mr. Kim.

“Kumusta ka JP, iho?’’ bati ng matanda.

“Okey naman, Mr. Kim.’’

“Parang wala ka sa mood. Siguro kulang pa yung bonus na binigay ko. O baka gusto mong mag-abroad. Ipaha-handa ko ang document para makalabas ka ng bansa.’’

“Okey lang ako Mr. Kim. Saka na lang ako aabroad.’’

“Sige basta sabihin mo lang. Kahit saan mo gustong bansa.’’

Tumango lang si JP.

“Siyanga pala JP, may susunod ka na uling pelikula. Palagay ko papatok uli ito, ha-ha-ha!  Nabasa ko na ang script. Bagay na bagay sa iyo ang role. Kailangang lumagare tayo nang lumagare habang mainit, ha-ha-ha! Di ba JP iho?’’

Hindi sumagot si JP pero may iniisip siya. Layasan ko kaya ang matandang ito!

(Itutuloy)

vuukle comment

FROM FAR AND NEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with