^

Punto Mo

Tama ang hindi pagsipot ni Duterte sa proklamasyon

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAS mabuting hindi na nga sumipot si President elect Rody Duterte sa proklamasyon nito sa Kongreso kahapon.

Tradisyon lang naman ang pagsipot ng nanalong kandidato at hindi batas na obligadong magtungo para sa proklamasyon.

Mag aaksaya lang ng oras si Duterte sa pagsipot  sa Kongreso dahil dudumugin lang naman siya ng mga mambabatas na nais na sumipsip sa kanya.

Kaliwa’t kanan ang bubulong lang kay Duterte dahil paniwala nang lahat ay maraming balimbing sa Kongreso.

Sa ngayon nga, napatunayan na maraming balimbing sa Kongreso dahil agad na nagsilipatan o nakipagkoalisyon sa PDP-LABAN na partido ni Duterte.

Baka wala nang maiwan sa Liberal Party ni Pres. Noynoy Aquino dahil sa pagbalimbing ng kanilang miyembro.

Maituturing na makasaysayan ang naganap na proklamasyon sa Kongreso kahapon dahil hindi sumipot ang nanalong presidente.

Tila nawala na ang pagiging independent o hiwalay na sangay ang Ehekutibo at Lehislatura dahil bakit kailangang magsiksikan ang mga mambabatas sa administration party.

Dapat suportahan nang lahat ng mambabatas ang anumang panukalang batas na isusulong ng Malacañang kung ito ay pabor sa interes kahit hindi pa sila kapartido.

Tularan ang mga mambabatas sa Amerika na kahit hindi kapartido ang presidente, ang nangingibabaw ay ang tunay na malasakit sa bayan sa pag-aapruba ng mga panukalang batas na makakabuti sa mamamayan.

vuukle comment

CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with