Photojourn wagi ng Pulitzer prize sa ‘drug war’ sa Pinas
MANILA, Philippines - Dahil sa mga kuhang mga larawan na nagpapakita ng umano’y extrajudicial killings sa coverage nito sa “drug war” sa Pilipinas, nanalo ng award ang Australian photographer na si Daniel Berehulak sa prestihiyosong Pulitzer.
Ang pagkilala ay iginawad ng Pulitzer Prize board kay Berehulak matapos mailathala kamakailan sa The New Times ang kanyang idinokumentong 57 larawan ng mga umano’y napaslang na drug pushers sa loob ng 35-araw na coverage nito sa Pilipinas para sa New York Times kaugnay sa madugong drug war ni Pangulong Duterte.
Ang mga nailathalang larawan na may titulong “They are slautering us like animals” ay magugunita na pinalagan ng pamahalaan dahil sa hindi umano patas na pagtaya sa kampanya ng Duterte government laban sa droga.
“It was alarming to have a leader calling for the death of thousands, actually millions of addicts. It was alarming to see that rhetoric mimicked in the streets,” ani Berehulak.
Kaugnay nito, nirerespeto naman ng Malacañang ang pagkapanalo ni Berehulak na dumaan umano sa pagsala bago siya napili.
Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, may sariling criteria at proseso ng pagpili ang naturang board dahilan ng pagkapanalo ni Berehulak.
“The Pulitzer Prize Board has its own criteria and selection process and we respect their decision on this matter,”ani Abella.
- Latest