^

PSN Showbiz

Mocha Uson naninindigan sa pagpapatalsik kay VP Leni

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ngayong Lunes, makakapanayam ni Mareng Winnie Monsod ang dalawa sa nag-organisa ng palit bise rally laban kay Vice President Leni Robredo—sina Atty. Bruce Rivera at Mocha Uson.

Ayon sa kanila, mali raw ang mga sinabi ni Vice President Robredo sa video message nito kamakailan sa international community. Sa video, pinuna ng bise presidente ang laban kontra droga ng kasalukuyang administrasyon. Binanggit niya na mayroong 7,000 summary executions.

Iginiit pa ng dalawa na taumbayan na ang nagdikta at nagpondo ng palit bise rally dahil sa kanilang kagustuhang mapalitan na ang bise. Patunay raw nito ang 2.4 milyong pisong donasyon na natanggap nila sa pamamagitan ng GAVAGives.com sa loob lamang ng apat na araw na karamihan ay mula sa ating mga kababayang OFW.

Isinasaayos na ni Atty. Rivera at ng kanyang grupo ang impeachment case laban kay VP Robredo. Ayon sa kanya, may kinalaman ang kanilang mga ebidensiya sa betrayal of public trust, culpable violation of the constitution at graft and corruption.

Saan kaya hahantong ang palit bise at impeachment case na ito? Sino kaya ang gusto nilang ipalit na Bise Presidente?

Mainit ang talakayan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, ngayong Lunes, 10:15 p.m. pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho sa GMA News TV.

vuukle comment

WINNIE MONSOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with