^

PSN Showbiz

Anne tinularan ang ginawa nina Solenn, Isabelle, at Georgina

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa buwan ng Disyembre nakatakdang ikasal ang engaged couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff pero hindi ito sa Pilipinas gaganapin kundi sa ibang bansa. Tiyak ding piling-pili lamang ang magiging bahagi ng kanilang wedding entourage. Maaalalang sa ibang bansa rin ikinasal ang kanyang mga kaibigang sina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, at Georgina Wilson.

Bukod kina Anne at Erwan, pinaghahandaan na rin ng isa pang engaged couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia ang kanilang wedding although hindi pa rin sila nagbibigay ng detalye tungkol dito.

Nangako sina Billy at Coleen na patuloy ang kanilang showbiz career kahit mag-asawa na sila.  Ganundin naman si Anne na magpapatuloy din sa kanyang trabaho kahit ikasal na sila ni Erwan.

Arnel Pineda may natupad na wish!

Natupad ang wish ng 50-year-old Filipino front man ng Journey na si Arnel Pineda na makita at mayakap ang kanyang idolo, ang original lead vocalist ng grupong kanyang kinabibilangan ngayon (sa loob ng sampung taon since 2007), si Steve Perry.

Ang paghaharap at pagtatagpo nina Steve at Arnel ay nangyari sa isang special event in Brooklyn, New York, USA kung saan iniluklok ang iconic Journey sa Rock & Roll Hall of Fame.

Hinding-hindi makakalimutan ni Arnel ang kanilang pagtatagpo ni Steve na mahigit 30 years niyang pinangarap na mangyari.

Pinasalamatan din ni Steve Perry si Arnel dahil sa pagpapatuloy ng Journey hanggang ngayon.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with