^

PSN Showbiz

Matteo ayaw ipaalam kung kailan pakakasalan si Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay napabalitang posibleng magkasama sina Sarah Geronimo at Daniel Padilla sa isang proyekto. Kung sakaling matuloy ito ay suportado naman daw ng kasintahan ng Popstar Princess na si Matteo Guidicelli ang gagawin nina Sarah at Daniel.

“I’ll be happy for them to work together. I hope one day they’ll be able to work together because Sarah also wants to work with him,” nakangiting bungad ni Matteo. Noong March 26 ay nagdiwang ng kanyang ika-dalawampu’t pitong kaarawan sa Cebu ang binata. Nasorpresa raw talaga si Matteo sa pagpunta ni Sarah para makipagdiwang kasama ang buong pamilya ng aktor. “Her presence in Cebu was a big surprise for me. Hindi ko alam na darating siya to celebrate my birthday with me. It’s the best birthday gift I got this year,” pagbabahagi ni Matteo.

Samantala, magdiriwang na si Sarah ng kanyang ika-dalawampu’t siyam na kaarawan sa July 25 kaya marami ang nagsasabing nasa tamang edad na sila upang magpakasal. Kailan kaya nagbabalak si Matteo na mag-propose na ng kasal kay Sarah? “Basta malalaman n’yo na lang kapag nangyari na,” makahulugang sagot ng aktor.

Bela gustong mag-audition sa Darna

Hanggang ngayon ay wala pa ring napipili kung sino ang gaganap bilang bagong Darna sa pelikula. Interesado raw si Bela Padilla na mag-audition para sa nasabing role. “Honestly, kung may audition, mag-o-audition ako. Siyempre dream role ‘yan ng lahat ng Filipina. I’m sure ‘yung mga tao nung nalaman nila na may bagong Darna, hindi lang artista ‘yung naghahangad maging Darna, I’m sure maraming tao,” pagtatapat ni Bela.

Ang gusto ng aktres ay bagong mukha ang mapipili para gampanan ang iconic role. “I would like to see a new face for Darna na hindi sana artista, parang nae-excite ako do’n eh. Para baguhan, fresh take on Darna talaga. Pero kung audition mauuna talaga ako, I think mauuna ako sa pila,” natatawang pahayag ni Bela.

Samantala, patapos na ang pelikulang Luck at First Sight na pinagtatambalan ng aktres at Jericho Rosales. Bukod sa pagiging artista sa nasabing proyekto ay si Bela rin ang nakaisip ng konsepto para sa sariling pelikula. “Nanood ako ng rushes, sana tulungan n’yo rin ako sa movie. Kasi first time ko manood ng hindi ako kinakabahan, ‘yung mag-iimbita talaga ako ng mga tao. Na-adjust lang ‘yung playdate. Kasi unfortunately may mga personal na nangyari kay Echo while we were shooting. So we had to move the playdate kasi nag-stop shooting kami. ‘Yung father niya unfortunately passed away while we were shooting. It’s going to be shown sa birthday ko, sa May 3,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with