^

Probinsiya

Sanggol natigok sa asinan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang 1-taon at limang buwang sanggol na babae matapos na aksidenteng mapagawi sa nakabukas na pilapil na may lalim na 4 talampakang tubig sa isang pagawaan ng asin sa Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan nitong Huwebes ng hapon. Kinilala ang batang biktima na si Laline Joy Alonzo na bangkay na nang iahon ng kanyang mga magulang sa may salt factory na pag-aari ng negosyanteng si Yolanda Almandres.Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang alas-4:30 ng hapon nang makita ng isang manggagawa ng nasabing pabrika na si Melanie Mirador, 20, ang katawan ng bata na lumulutang sa asinan. Ayon sa imbestigasyon, dahil sa sobrang kalikutan ay gumapang ang bata sa nasabing tubigan na nasa tabi lamang ng kanilang bahay. Hindi umano napansin ng ina ng biktima na si Kimberly Cabus Alonzo na noo’y abala sa paglalaba nang gumapang ang hindi pa nakakalakad na anak at napagawi sa may asinan.  Agad na iniahon ang sanggol at isinugod sa Rural Health Center pero idineklara siyang dead-on-arrival. Samantala, nangako ang may-ari ng pabrika ng asinan na tutulong sa pagpapalibing sa paslit.

vuukle comment

LALINE JOY ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with