^

Probinsiya

Motorsiklo vs van: Supervisor, 1 pa pisak!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  - Isang Supervisor at isang operator ng isang kumpanya ang patay matapos na masalpok ng kasalubong na Toyota Hi Ace van ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo, makaraan umanong umiwas ang mga ito sa tumatawid na dalawang pedestrian, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Governors Drive Brgy. Manggahan Gen. Trias Cavite.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Joebert Lapating, nasa hustong gulang, Production Supervisor ng Royal Tern Company, residente ng Purok 3, Brgy. Alulod, Indang, Cavite at Dennis Bilugan, 35, operator ng Royal Tern Company,  ng 240 Sitio Santusan, Brgy. Manggahan, General Trias City.

Hawak naman ng pulisya ang suspek na si Arman Manito, 51, driver, residente ng Sitio De Fuego, Brgy. San Francisco, City of General Trias, Cavite.

Sa imbestigasyon ni PO2 Harry Ogot Culanding may hawak ng kaso, alas 10:45 ng gabi sakay ang dalawang biktima ng V-1 Honda NF100MX kulay red, plate #: WE8326, at minamaneho ni Bilugan.

Nang nasa may Brgy. Manggahan na ang mga ito sa tapat ng isang gasolinahan, bigla umanong may tumawid na dalawang pedestrian, dahilan upang iwasan ito ng mga biktima at kinabig ang manibela kung kaya napapunta ito sa kabilang lane ng kalsada kung saan naman paparating ang Toyota Hi-Ace Commuter, kulay White, plate #: ABO 6202, at minamaneho ni Manito .

Hindi na ito naiwasan ng Hi-Ace kung kaya tuluyan itong nasalpok. Tumilapon ang mga ito at kapwa napuruhan sa lakas ng impact ng pagkasalpok dito.

Mabilis namang naitakbo sa pagamutan ang dalawang biktima subalit kapwa bina­wian din ng buhay.

vuukle comment

JOEBERT LAPATING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with