^

Probinsiya

Sunog: 1 patay, 600 bahay naabo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  - Isa ang patay habang may 600 kabahayan ang natupok at mahigit sa 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Sitio Tabing Dagat, Brgy. Maliksi 3, Bacoor City.

Kinilala ang biktima na si Alejo Cerera, 51, binata, vendor, ng Brgy. Maliksi 3, Bacoor City, Cavite.

Sa report ni SFO3 Pablito De Castro ng Bacoor City Fire Marshal,  alas- 4:45 ng hapon nang mag-umpisa ang sunog sa tahanan ng isang  Raffy Ola kung saan naglaro umano ng posporo ang mga bata sa loob ng bahay. Dahilan upang mahagip ang mga light materials at mabilis na nagliyab at kumalat sa buong kabahayan at tuloy tuloy sa mga katabing bahay.

Naabo ang mahigit 600 kabahayan dito at mahigit sa 1000 pamilya ang apektado ng sunog.

Aabot naman sa mahigit 5 milyong piso ng ari-arian ang natupok sa sunog. Sa unang pagsisiyasat ng pulisya at bumbero ay wala silang nakitang casualties sa naganap na sunog hanggang sa isang Fe Cerera, residente dito ang humingi ng tulong at nag- ulat na nawawala umano ang kanyang kapatid na lalaki na sa huling pagkakaalam niya ay lasing umano ito at nasa loob ng kanilang bahay.

Muling naggalugad ang mga bumbero at dito na natagpuan ang sunog na biktima sa loob ng kanilang sunog din na bahay.

Tumagal ng may mahigit sa 3 oras ang naganap na sunog bago ito tuluyang naapula.

vuukle comment

ALEJO CERERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with