170 immigration personnel ipinakalat sa NAIA
MANILA, Philippines - Ipinakalat na ng Bureau of Immigration ang kanilang 170 tauhan sa immigration counters dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong panahon ng Holy Week .
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naglabas na sila ng memorandum order na inaatasan ang nasa 150 immigration officers na nakatalaga sa main office at iba pang tanggapan sa buong bansa na tumulong sa immigration processing ng mga dumarating at umaalis na turista.
Aniya, 20 pang immigration officers na nakatalaga sa BI field offices sa Pampanga, Davao, Aklan at Cebu ang inatasang mag-report sa Clark, Davao, Kalibo, Mactan airports upang tumulong sa pag-asiste.
Kinansela na rin aniya nito ang lahat ng bakasyon ng mga BI employees upang makatulong sa mga turistang dadagsa sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.
“I appeal to our rank and file to remain patient and focused on their responsibilities as everything is being done to address their financial plight that resulted from the loss of their overtime pay,” apela ni Morente.
- Latest