^

Bansa

Tag-init nagsimula na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang nag-umpisa ang dry season o mainit na panahon sa Pilipinas.

Ito ang inanunsyo ni Pagasa weather forecaster Benison Estareja, kasunod ng paghupa ng hanging amihan na naghatid ng malamig na hangin sa mga nakalipas na buwan.

Pero nagkaroon ng delay sa pagpasok ng tag-init sa ating bansa dahil na rin sa pag-iral ng North Pacific high pressure area.

Ito umano ang nagpa­bago ng pressure system at nagpaiba sa wind pattern na nagbunsod para maantala ang pormal na pagpasok ng dry season.

Nilinaw naman ni Estareja na walang summer season sa Pilipinas, kundi “wet and dry seasons” lamang.

Ang summer aniya ay para sa mga bansang may apat na klasipikasyon ng kanilang panahon, kung saan kabilang na rito ang spring, summer, winter at fall.

Samantala, sinabi ni weather specialist Rene Paciente na walang kinalaman ang mainit na panahon sa naganap na malakas na paglindol sa Batangas at Metro Manila nitong Martes ng gabi.

Kahit anya mainit ang panahon sa bansa, hindi ito magti-trigger ng lindol dahil hindi apektado ng init ng panahon ang mga faultline na kumikilos kapag lumilindol.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with