^

PSN Palaro

Towns, Wiggins ibinandera ang Timberwolves

Pilipino Star Ngayon

MINNEAPOLIS - Ipinakita ni Karl-Anthony Towns ang kanyang dominasyon sa maliit na fronline ng Portland Trail Blazers.

Humakot si Towns ng 34 points at 12 rebounds para banderahan ang Minnesota Timberwolves sa 110-109 panalo laban sa Blazers.

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 29 points para sa pangatlong panalo ng Minnesota sa huling apat nilang laro at ika-31 sa 76 asignatura, habang nagtala si guard Ricky Rubio ng 11 points at 16 assists.

“They’re playing small, we have a big who can guard smalls and play like a big at the other end,” sabi ni Rubio kay Towns. “That’s big for us.”

Nanggaling ang Timberwolves sa kabiguan sa Sacramento Kings.

Nagwakas naman ang six-game winning streak ng Blazers, nakahugot kay Damian Lillard ng 25 markers, samantalang nag-ambag si Al Farouq Aminu ng 20 points.

Naglista si Lillard ng 3-of-11 shooting sa three-point line, habang tumalbog naman ang kanyang potensyal na game-winning pull-up jumper.

Kasalukuyang nasa No. 8 spot ang Portland sa Western Conference sa kanilang 38-39 win-loss card, habang nag-ambag sina Maurice Harkless at CJ McCollum ng tig-17 points.

Ito ang ikalawang pagkakataon na hindi naglaro ang may fractured right leg injury na si big man Jusuf Nurkic para sa Blazers.

vuukle comment

KARL-ANTHONY TOWNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with