^

PSN Showbiz

JM susubukan kung kaya na uling magpaka-normal

SANGA-SANGANDILA - Veronica M. Samio - Pilipino Star Ngayon

Lalabas na raw si JM de Guzman ng rehab bagama’t hindi pa permanente dahil isa at kalahating araw lamang siya sa labas at ito ay para lamang maobserbahan kung kakayanin na niya ang mas matagal pang pamamalagi sa outside world.  

Kabado lamang ang aktor na baka hindi na siya bigyan ng ABS-CBN ng pangatlong pagkakataon. 

Celebs paboritong biktima ng mga magnanakaw

Magkasunod na araw lamang nang maging biktima ng mga magnanakaw ang magkapatid na Kapuso stars na sina Jak Roberto at Sanya Lopez at Kapamilya star na si Nadine Lustre. Pinasok ng mga magnanakaw ang tinitirhang bahay ng magkapatid nung March 30, Huwebes ng madaling araw. Nagkataong hindi pa nakakauwi ng kanilang bahay mula sa trabaho ang dalawa. Isang cellphone lamang ng isang kasambahay ang nakuha.  

Kinabukasan naman, March 31, Biyernes, nanakawan ng kanyang bag at kamera sa kotse si Nadine sa US kung saan sila may concert ni James Reid.

Pero, biktima man ng mga kriminal sina Jak, Sanya, at Nadine, larawan naman ng kagalakan at pagmamalaki si Luis Manzano dahil sa ginawang pagsasauli ng isa sa mga driver ng kanyang mga taxi na nagngangalang Junar Pejo sa naiwang mahalagang gamit ng kanyang pasahero. Naging dahilan ito para papurihan ang driver ng CNN.

Alexa bumabalik sa ina pagkatapos ng problema

Nasa kulungan ang ina ni Joy (Alexa Ilacad) na si Maya (Lorna Tolentino) na nagsimula niyang dalawin sa edad na 14. Dahil dito, naging pangalawang bahay niya ang kulungan. Sa kulungan din sila nagkaibigan ni Rustom (Edgar Allan Guzman) na isa ring bilanggo. Tumutol dito ang kanyang ina.

Nang malipat sa New Bilibid Prison si Rustom lumipat si Joy ng Maynila para mas mapalapit sa kanya. Sixteen lamang si Joy kaya pandalas ang pagtanggi ng kanyang ina. Pumayag na rin si Maya na magtrabaho si Joy para masuportahan si Rustom. Palagi ang paalala nito na bumalik ito ng Isabela.

Makaraan ang anim na taon at pagkakaroon ng isang anak kay Rustom nahuli ni Joy ang pagtataksil nito. Bumalik ito ng Isabela at namuhay kasama ang ina na nakalabas na ng bilangguan. Iniwan din niya ang ina para makasama si Rustom na nakalabas na rin ng kulungan. Nadiskubre niya na bukod sa gumagamit ng bawal na gamot ay naging masahol pa ang ugali nito. Muli, nilayasan siya ni Joy at bumalik ng Isabela.

Magkatulong sila ng kanyang ina sa pagpapalaki sa kanyang anak. Napagtanto niya na walang makakatulong sa kanya nang lubos maliban sa kanyang ina.

Ito ang kuwento na mapapanood sa MMK sa  Sabado, Abril 8.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with