^

PSN Showbiz

Iza umalma sa X rating fans ni Julie Anne hindi tanggap si Benjamin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maganda ang feedback sa pelikulang Northern Lights: A Journey To Love nina Piolo Pascual at Yen Santos na nagbukas na sa mga sinehan kahapon.

Suportado ng Kapamilya talents ang premiere night nito na ginanap sa SM Megamall kamakalawa ng gabi. Dumalo si Inigo Pascual para suportahan ang kanyang ama, at doon niya sinagot ang isyung halikan nila.

Dedma na rito ang Kapamilya young actor, at wala naman daw mababago sa pagiging malambing niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ama.

Wala na raw siyang magagawa kung may malisya na iyun sa ibang tao. “Para sa akin, I’ll make it more of an inspiration to the generation na kahit matanda ka na, dapat hindi mo baguhin ‘yung trato mo sa parents mo dahil hindi mo naman alam kung kailan sila mawawala,” pahayag ni Inigo.

PAK: Tatlong taping days na lang daw matatapos na ang Pinulot Ka Lang sa Lupa, at masaya na sila dahil nakabawi naman ang naturang drama series.

Tuluy-tuloy ang mataas ang rating, kaya nagtataka pa rin kami kung bakit tatapusin na ito.

True kaya ‘yung narinig naming, pahirap na raw sa production staff ang ilang artistang involved sa serye? Ayaw na lang idetalye sa amin kung sinu-sino ang mga ito at kung ano ang ginagawa nila.

Hayaan na lang daw na matapos na ito, at maganda na rin naman ang feedback sa naturang serye.

Ang isa pang naobserbahan daw nila, parang ‘di gaanong type ng fans ang tandem nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves. Hindi raw gaanong pumapalo sa rating kapag sa kanilang dalawa naka-focus ang episode. Parang mas tanggap pa nila kapag sina Julie Anne at Martin del Rosario ang magkasama.

Hindi nga ba tanggap ng mga fans ni Julie Anne si Benjamin?

BOOM: Nag-react na si Iza Calzado sa X rating na ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikula niyang Bliss na idinirek ni Jerrold Tarog.

Marami ang nag-react sa X rating dahil kung ikukumpara raw sa mga foreign films na nakakalusot, mas tame pa nga raw itong Bliss.

Pahayag ni Iza, “Mawalang galang lang po sa MTRCB, nais ko lang pong maliwanagan kung ano yung standards natin ng X na pelikula?

“Bakit yung ibang mga foreign films na mas grabe pa ang mga eksena puwedeng maipalabas sa atin, at ang Bliss hindi puwede?

“Hindi naman po porn ang pelikula namin. Sana kapag napalabas ang pelikula, tayo ang humusga… I’d like to believe that my director—the award-winning director of Heneral Luna—is a responsible director. Sana the film will be given a chance to be seen by the Filipino audience.
Sana rin, this opens a discussion on our film rating standards.”

Itong Bliss ang nagbigay ng karangalang Best Performer kay Iza sa nakaraang Osaka Asian Film Festival.

Ayon sa ilang nakausap namin sa MTRCB, masyadong violent daw ang pelikula at may mga profane language na ikina-react ng mga nag-review.

Nakatakda itong magpa-second review at inaasahang mabibigyan ito ng R-16 or R-18 man lang ng naturang ahensya.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with