^

PSN Showbiz

Lea hindi matanggap ang mga negative review ng miss saigon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang The Voice of the Philippines Teen edition. Sina Luis Manzano at Toni Gonzaga ang hosts ng nasabing programa habang sina Sharon Cuneta, Bamboo, Sarah Geronimo, at Lea Salonga naman ang magsisilbing mga coach.

Matatandaang nawala si Sarah sa nakaraang season ng The Voice kaya ayon kay Lea ay talagang na-miss nila ang Popstar Princess.

Nakailang taping days na sila ngayon para sa pinakabagong season nito. “I think the year away did a lot of good to her. We missed her and it’s good to sit beside her this season. Her energy is just so infectious and bubbly and entertaining,” pagbabahagi ni Lea.

Samantala, nagbigay ng reaksyon ang international singer tungkol sa ilang negative reviews sa Miss Saigon musical na muling itinanghal sa Broadway. Matatandaang nagbida rin si Lea noon sa nasabing musical. “As a member of the original company and in any production of that show is that I want it to be successful kasi damay lahat eh. Whether you are in the original company anywhere in the world, you are carrying on a legacy,” pahayag ni Lea.

Para sa aktres ay world class pa rin hanggang ngayon ang Miss Saigon lalo pa’t maraming Pinoy din ang kabilang dito. “I’ve got so many friends in that production too. So when I read a less than favorable review and a few did come in it, kinda makes me feel like, yeah, but the thing about a review, it’s subjective,” dagdag pa niya.

Angel gusto nang makilala ang Kathniel

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama ni Angel Locsin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang teleserye. Magbibida ang KathNiel sa La Luna Sangre kung saan ay kabilang din si Angel.

“This is the first time and I am looking forward talaga. I don’t know kung may eksena kami. Hindi ko alam kung magkakaroon kami ng opportunity to get to know each other kapag nasa set, project naman nila ito,” nakangiting bungad ni Angel.

Sinasabing ang bagong serye ay sequel ng Lobo at Imortal na pinagbidahan rin ng aktres noon. “Ngayon ipapasa ko ulit ‘yung legacy. I am very excited na maging part din ako,” dagdag ng aktres.

Masayang-masaya si Angel dahil si Cathy Garcia-Molina ang magiging direktor nila sa La Luna Sangre. “Isa siya sa pinakapaborito kong katrabaho. Sino bang tatanggi sa direk Cathy,”pagtatapos ng dalaga.

Bukod sa bagong teleserye ay pinaghahandaan na rin ni Angel ang dalawang pelikula na tiyak ikatutuwa ng mga tagahanga ng aktres.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with