^

PSN Palaro

Foton kakaliskisan ang Kobe Shinwa sa superliga

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Unang mapapalaban ang two-time Grand Prix champion na Foton laban sa Kobe Shinwa Women’s University sa pagsisimula ng final round ng Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magpapang-abot ang Tornadoes at Koe Shinwa sa alas-7 ng gabi, habang masisilayan naman ang bakbakan ng Petron at Cignal sa alas-5 ng hapon.

Maglalaro rin ang Gene­rika-Ayala at Sta. Lucia Realty sa alas-3 sa classification round.

Malaking dagok sa pa­nig ng Foton ang pagka­wala ni team captain Dindin Santiago-Manabat na nagtamo ng grade 2 MCL sprain at partial ACL tear sa huling araw ng eliminasyon noong nakaraang linggo.

Hindi na makapaglalaro sa mga huling araw ng komperensiya si Santiago-Ma­nabat dahilan upang maiwan ang mabigat na pasa­nin kay three-time NCAA MVP Grethcel Soltones, isa sa top sco­rers ng Tornadoes.

Kailangan din ng solidong suporta mula kina middle blockers Maika Ortiz at Katherine Villegas gayundin kina Mary Grace Berte, Cherilyn Sindayen, Iumi Yongco, Rubie De Leon, Ivy Perez at libero Jen Reyes.

Mangangapa rin ang Tornadoes dahil wala itong ideya sa Kobe Shinwa.

Ngunit alam ni Serbian mentor Moro Branislav na mabilis gumalaw ang mga Japanese players.

“I know this Japanese team is very good. We’ll just do our best,” pahayag ni Branislav.

Sa kabilang banda, ti­wa­la si Petron mentor Shaq Delos Santos na maipag­pa­patuloy ng kanyang ba­taan ang impresibong laro.

Tinapos ng Blaze Spi­kers ang eliminasyon na may malinis na 5-0 baraha.

At ito ang motibasyon ng Petron upang mapa­natiling imakulada ang ka­nilang rekord.

Hahataw para sa Blaze Spikers sina Mika Reyes, CJ Rosario, Ces Moli­na, Mina Aganon at Aiza Maizo-Pontillas kasama ang beteranong setter na si Rhea Dimaculangan.

Tatapatan naman ito ng HD Spikers sa pangunguna nina Jovelyn Gonzaga, Royse Tubino at Rachel Anne Daquis.

Maglalaban-laban ang Petron, Cignal, Foton at Kobe Shinwa sa final round sa isang round-robin format.

Ang koponang makalilikom ng pinakamaraming panalo ang siyang tatanghaling kampeon.

 

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with