^

PSN Opinyon

Tulak-kabig na salita,sinusuri ng mundo

HINTS AND TRACES - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA DALAWANG milyong taon ng pagtatalastasan ng tao sa tao, iisa ang alituntunin: tungkulin ng bawat isa na ipahiwatig nang malinaw ang mensahe. Batay dito sumibol ang tiwala sa kapwa, ang kalakal, at pagtutulungan ng samahan, komunidad, at lipunan.

Hindi tungkulin ng iba na arukin kung nagbibiro o nag­tatalinhaga lang ang nagsasalita. Kung hindi siya naintindihan, kasalanan niya ‘yun, hindi ng kinakausap nang diretso o sa pamamagitan ng senyas o liham.

Sinusuri ng mga eksperto kung bakit ang Presidente ng 105 milyong Pilipino ay pilit na binabago ang batas sa komunikasyon. Nagtataka sila kung bakit sinisisi ng mga spokesmen ng pinunong ‘yon ang madla kapag iba ang pagkaintindi sa salita niya. Sinisikap nilang tuparin ang utos sa media na lawakan ang imahinasyon sa paghula kung ano ang ibig niyang sabihin.

Anang isang eksperto palusot lang lahat ‘yon dahil sa kadaldalan at pabago-bagong-isip ng Presidente. Pinalayas niya ang US military personnel sa Mindanao na nagpapayo kontra terorismo. Makalipas ang ilang araw, binawi niya ito na biro lang kuno. Walang biro-biro sa relasyon ng mga bansa. Hula ng eksperto na binalaan ang pinuno ng malalagim na sasapitin kapag pinalayas nga ang mga Amerikano.

Inamin din ng pinuno na dahil sa matinding sakit sa spine, mula sa aksidente sa motorsiklo, gumamit siya ng fentanyl pain patches. Imbis na putulin ito sa apat, na may bisang tatlong araw, hinati lang daw niya sa dalawa. Nagalit daw ang doktor at binalaan siyang pahihintuin sa gamot. Binawi rin ito at sinabing joke only. Bakit? Kasi, anang eksperto, ang pag-amin niya ay opioid abuse, o pagkalulong sa droga -- na madugo niyang ginigiyera.

Umamin din, sabay bawi, ang pinuno sa pagpatay sa crime suspects. Inubos daw ang bala sa magazine at tinulak mula sa helicopter. Anang eksperto, krimen ito, na maaring pagsimulan ng sakdal.

vuukle comment

TULAK-KABIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with