^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itigil ang pagdalo sa mga concert

WHAT MATTERS MOST - Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itigil ang pagdalo sa mga concert

MAY mga mambabatas na nananawagan na magbitiw sa puwesto si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa. Unang nanawagan si House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagbibitiw ni Dela Rosa para mailigtas sa kahihiyan si President Rodrigo Duterte. Lubha umanong nakakahiya ang pangyayari na sa loob pa ng Camp Crame pinatay ang Korean businessman na si Jee Ick-joo noong Okt. 18, 2016. Ang lugar ng krimen ay ilang metro lang layo sa “White House” na tirahan ni Dela Rosa. Pinatay sa sakal ang Koreano, makaraang kidnapin sa bahay nito sa Angeles City, Pampanga. Pagkaraang patayin, dinala ang bangkay sa isang funeral parlor sa Caloocan at inimbalsamo. Sinunog ang bangkay sa isang crematorium sa Caloocan din at saka tinapon ang abo nito sa inidoro ng funeral parlor. Pitong pulis ang sangkot sa krimen. Sinampahan na ng kaso si SPO3 Ricky Sta. Isabel na umano’y sumakal sa Koreano. Sinibak na sa puwesto ang opisyal ng PNP na isinangkot ni Sta. Isabel. Humingi ng P5 milyon ang mga pulis sa asawa ng Koreano sa kabila na pinatay na nila ito.

Kahapon, marami pang mambabatas ang nana­wagan kay Dela Rosa na magbitiw na sa PNP. Nakakahiya ang pangyayari na habang may nangyaya­ring krimen sa loob ng Camp Crame ay nanonood naman ng concert si Dela Rosa. Hindi raw dapat ganito ang ginagawa ng PNP chief. Dapat naka-pokus ito sa trabaho at hindi sa paglilibang. Marami na raw pangyayari na habang wala si Dela Rosa ay may naganap na madudugong krimen. Nang manood siya ng laban ni Sen. Manny Pacquiao ay may naganap na barilan sa Albuera, Leyte provincial jail na ikinamatay ni Mayor Rolando Espinosa. Mga pulis-CIDG ang nakapatay kay Espinosa.

Malabong magbitiw si Dela Rosa sapagkat hindi siya papayagan ni Duterte. Sabi ni Duterte, malaki ang tiwala niya kay Dela Rosa. Sa birthday ni Dela Rosa, tahasang sinabi ni Duterte na mananatili si Dela Rosa sa PNP.

Hindi magigiba si Dela Rosa. Sa ganitong pagkakataon, dapat naman niyang ipakita na hindi sayang ang pagtitiwala ni Duterte sa kanya. Itigil na muna niya ang paglalamiyerda. Trabaho na lang muna. Kung manonood ng basketball, sa TV na lang muna.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with