^

Probinsiya

40 bahay nilamon ng apoy

VERBAL VARIETY - Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
40 bahay nilamon ng apoy
Naabo ang 40 kabahayan sa naganap na sunog sa hangganan ng Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue at Barangay Abangan Norte sa bayan naman ng Marilao, Bulacan.
Boy Cruz

BULACAN , Philippines  – Umaabot sa 40 bahay nilamon ng apoy sa naganap na sunog sa hangganang bahagi ng Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue at Barangay Abangan Norte, bayan ng Marilao sa Bulacan kahapon. Base sa imbestigasyon ni Fire Officer 2 Rhodora Soria ng Bocaue Fire Station, dakong alas-2 ng hapon nang sumiklab ang sunog na sinasabing nagsimula sa bahay na pag-aari ni Wilma Ramirez ng Purok Banloc. Kaagad na kumalat ang apoy sa mga kanugnog bahay na umabot sa ikalawang alarma. Rumesponde naman ang mga miyembro ng pamatay-sunog kung saan naapula naman ang apoy sa loob ng dalawang oras. Walang napaulat na nasugatan o kaya namatay  sa naganap na sunog. Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog dahil sa electrical overload sa bahay ni Ramirez kung saan aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

vuukle comment

BARANGAY LOLOMBOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with