^

PSN Opinyon

‘Pagod na nakangiti’

ESSENCE - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KAPAG CONTEST ang pinag-uusapan may iba diyan gumagawa ng eksena para mapansin.

Sa instagram account ni Ms. Virgin Islands na si Erika Creque na nabanggit niyang nakilala niya ang Presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte pero ang taong kasama niya rito ay si Chavit Singson.

Pinutakte siya ng iba’t-ibang komentaryo sa social networking sites at mukhang napansin na ni Ms. Virgin Islands na ang inakala niyang Presidente ng Pilipinas ay si Chavit Singson pala.

Itinama naman niya ang kanyang pagkakamali. Mabuti na lang at pwedeng i-edit ito. Yun nga lang mas mabilis ang netizens at agad na itong naikalat. Nang dahil sa post na ito mas marami na tuloy ang nakakakilala kay Ms. Virgin Islands.

Sa rami ng delegada malaking bagay na matandaan at makilala ka ng mga tao para mas marami ang sumuporta sa ‘yo.

Papuntang Pico de Loro sa Batangas ay sumakay ang mga kandidata sa yate ni Chavit Singson na may labing siyam na cabins.

Ilan pa sa lugar na pinuntahan ng mga kandidata ay ang Baguio kung saan may seremonya pa pagdating ng mga delegada dun sa pangunguna ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.

Dumalo sila sa flower festival at talaga namang humanga ang mga kandidata sa programang nasaksihan.

Nasubukan nila ang mga tradisyonal na gawain sa Baguio at kasama na rito ang pamimitas ng strawberry.

Totoo ang sinabi ni Pia na swerte ang mga kandidata ngayong taon dahil sa Pilipinas magaganap ang koronasyon. Nung panahong lumaban siya sa Las Vegas nanatili lang sila doon.

Ngayong ang Pilipinas ang naging host ng koronasyon maraming lugar silang napuntahan kabilang na ang Boracay, Vigan, Cebu, Baguio, Batangas at Davao. Pwedeng-pwede na nila sabihing nalibot nila ang Pilipinas.

Hindi lang naman ito ang magagandang lugar sa ating bansa at maipagmamalaki rin natin ang mga taong tumatanggap sa ating mga bisita.

Naging magandang oportunidad din ito para sa ating bansa na ipakita kung paano tayo tumanggap ng mga bisita.

Anong paghahanda ang ginawa natin para sila’y salubungin at lahat ng magagandang tanawin na pwede nating ipakita sa kanila ay ginawa natin. Ang isa rin sa pinaghandaan lalo na ng ating kapulisan ay ang seguridad ng mga delegada.

Naging paraan din ito para sa mga Pilipinong designer na gumawa ng mga gowns na gagamitin sa koronasyon o sa kung anumang mahalagang lakad ng mga ito.

Binisita din ng mga delegada ang mga pasyente na may cleft palate at naibahagi ng mga kandidata na kahit silang kalahok sa pagandahan ay may mga insecurities din. Kailangan lang nilang magtiwala sa kanilang mga sarili at huwag masyadong pansinin ang mga nangungutya.

Ngayong nasa ating bakuran ang koronasyon posible kayang magkaroon ng back to back na panalo sina Pia at ang pambato ng Pilipinas ngayong taon na si Maxine Medina?

Kung si Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang tatanungin one in a million daw ang tyansang ito.

Paliwanag niya dito sa ating bansa ito gaganapin kaya kahit na karapat-dapat pa sa korona ang ating kandidata may magkokomento pa ding niluto natin ang laban.

Kahit daw first runner up ay mukhang hindi masusungkit ni Medina dahil baka sabihing ‘hometown decision’ ito.

Mula nang makuha ni Medina ang korona bilang Miss Philippines Universe kabi-kabilang batikos na ang kanyang natanggap lalo na sa paraan ng kanyang pagsagot sa question and answer portion.

Di hamak na may mas magaling daw sa kanya kung bakit siya ang nanalo.

Hanggang ngayon ay hindi pa din siya tinitigilan ng mga ito at ikinukumpara siya kay Pia. Naging mabait naman si Medina sa kanyang mga bashers at sinabing iba si Pia at iba siya. Dapat ay mahalin na lang siya kung sino siya.

Inamin naman ni Diaz na alam niya at naririnig niya ang mga paninira kay Medina na hindi ito magaling sa Ingles.

Wala naman daw masama kung gumamit ka ng interpreter. Kahit ano pa ang gamitin niya mapa-Ingles, Tagalog o Bisaya man yan.

Mas mabuti na din sigurong gamitin ni Medina ang Tagalog kung dito niya naman maipapahayag kung ano ang tunay na nasa loob niya. Mahirap din naman yung puntong nag-iisip ka na ng isasagot mo sa tanong mag-iisip ka pa kung anong akmang salita ang gagamitin mo.

Marami naman diyan sa mga kandidata na gumagamit ng interpreter kahit pa sabihin mong nakakapagsalita naman ng Ingles. Kung saan ka komportable dapat yun ang piliin mo.

Nung panahon ni Diaz ay kailangan nilang magsalita ng Ingles pero iba na ngayon. Mahal natin ang ating bansa, mahal natin aang ating salita.

Sabi pa nga ni Diaz hindi ito Miss Whiz o brain contest.

Bagamat hindi nga ito patalinuhan may porsiyento pa din namang nakalaan sa question and answer portion kaya kinakailangan kahit papaano ay pag-isipan ding mabuti ang mga isasagot sa mga tanong.

Bukas naman si Medina sa suhestyon na gumamit siya ng interpreter. Nandito daw siya para manalo sa Miss Universe 2017.

Itong mga batang babae na ito ay magaganda at bilyon ang nanonood sa kanila sa dami na din ng taga suporta ng mga beauty pageants.

Napakarami din ng sumusuporta sa Miss Universe kaya sigurado akong maiibasan ang mga batikos sa atin tungkolsa extra judicial killings (EJK) dahil dito ang mga contestant ay pinapatay ng mga Pilipino sa pagmamahal at sa init ng kanilang pagtanggap.

Mismong ang 86 na kandidata ang makakapagpatotoo niyan.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment

MS. VIRGIN ISLANDS NA SI ERIKA CREQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with