^

Punto Mo

PNP chief Bato, hinay-hinay sa sosyalan

THAT DOES IT - Ely Saludar - Pang-masa

PANAHON na upang mag-isip munang mabuti si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng mga eskandalo partikular ang pagkakasangkot ng mga pulis sa krimen.

Madalas kasi siyang nakikita sa mga sosyalan tulad ng pagdalo sa mga concert at iba pang kahalintulad nito.

Ang mga pagtitipong ito na pinupuntahan ni Bato ay pawang kasayahan at tinatawag na sosyalan.

Tila napikon pa si Bato sa pagkuwestiyon sa kanyang pagdalo sa concert dahil hindi naman daw mabubuhay pa ang pinatay na kidnap victim na Koreanong negosyante.

Dapat ay maunawan ni Bato na siya ay  isang mataas na opisyal ng gobyerno at bawat kilos nito ay mababantayan at maaaring mabatikos ng sinumang sektor o mamamayan.

Ang masaklap, ang pagpatay sa Koreano ay sa loob pa ng Camp Crame nangyari na national headquarters ng PNP.

Sa pangyayaring ito, apektado ang imahe mg PNP at marapat na agad na kumilos ang PNP chief at ipakita nito ang kaseryosohan sa krimen.

Kung nakikita kasi ng publiko na naglalamyerda at nakikipagsosyalan si PNP chief, lilitaw na hindi nito siniseryoso ang krimen na nangyari mismo sa loob ng Crame.

Bukod dito, maaaring isipin din ng iba pang tiwaling pulis na walang pakialam ang kanilang hepe. Dapat maging mahigpit si Bato at ipakita sa lahat na nakatutok siya sa problema ng PNP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with