^

PSN Showbiz

Kahit nangabog sa bikini, Maxine laglag sa Top 12

TO THE QUICK - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Inaayawan ng mga miyembro ng media ang coverage ng 65th Miss Universe dahil disorganized ito at diumano, hindi maayos ang trato sa kanila ng mga namamahala sa activities ng mga kandidata.

SCENE: Stand out si Miss Universe Philippines Maxine Medina sa swimsuit presentation ng 65th Miss Universe sa Cebu noong Martes pero hindi siya kasama sa Top 12 candidates.

SEEN: Dinagsa ng manonood ang Mini-Panagbenga parade na ginanap kahapon sa Baguio City at nilahukan ng 28 candidates ng 65th Miss Universe at ng reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

SCENE: Habang nagpaparada sa Baguio City ang 28 candidates ng Miss Universe, naging abala naman sa charity work na Rise Against Hunger sa Conrad Hotel ang ibang mga contestant.

SEEN: Nagdiwang ng 60th birthday noong January 17 ang controversial American television host na si Steve Harvey. Darating si Steve sa Pilipinas ngayong linggo dahil siya ang host ng grand coronation ng Miss Universe sa January 30.

SCENE: Ang Viva Live ang producer ng Happy Together, ang Valentine concert sa PICC Plenary Hall ng The New Minstrels at The Company. Kasama sa February 13 show sina Joey Albert at Chad Borja.

SEEN: Kailangan ni Tommy Esguerra ng bagong hairstyle dahil boring nang tingnan ang kanyang long hair. Ipinakikilala si Tommy at ang kanyang girlfriend na si Miho Nishida sa Foolish Love ng Regal Entertainment, Inc.

SCENE: Ang kuwento ni Jeron Teng na ang kawalan ng oras para sa isa’t isa ang dahilan ng break up nila ni Jane Oineza. Ang schoolmate niya sa La Salle na si Jeanine Tsoi ang girlfriend ngayon ni Jeron.

vuukle comment

MAXINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with