^

PSN Showbiz

Heart nagma-master sa pagbaril!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart nagma-master sa pagbaril!
Heart Evangelista

Binalikan ni Heart Evangelista ang f­iring range. Yup, obvious na pahinga muna siya sa pagpipinta.

Makikita sa kanyang Instagram account ang isang video kung saan siya nagpa-practice bumaril. At in all fairness, tinatamaan niya ang mga target.

Kasama niyang nag-practice sa pagbaril ang mister na si Sen. Chiz Escudero.

Caption niya sa isang picture niya “Strengthening my inner Nikita.” 

Sinabi rin ni Heart na sa kanya ang ginamit niyang baril.

Or baka naman paghahanda ito sa pelikula or TV show na gagawin ni Heart.

Digong laglag na judge sa Miss U

Confirmed na hindi magiging judge ng Miss Universe 2016 si President Duterte as in walang Pinoy na magiging hurado sa coronation night sa January 30 sa MOA Arena.

“Noon pa, rule na ng Miss Universe ‘yan. Nangyari na kay Hugo Chavez (Ve­nezuela), gusto niya maging judge noon sa kanila, pero hindi siya pinayagan,” sabi ni Manong Chavit Singson sa interview ng 24 Oras noong isang gabi.

“We established a policy a long time ago not to have go­vernment officials be judges because it’s very hard on everybody. (The judges) are going to have to be neutral,” sabi sa naunang statement ni Miss Universe Organization president na si Paula Shugart.

Samantala, tuluy-Tuloy na ang pagdating sa bansa ng mga kandidata sa Miss U. Sa mga nagkalat na pictures, maraming hindi masyadong maganda.

Iza Calzado

Kris hinubaran ng korona ni Iza?!

Naagaw na nga ba ni Iza Calzado ang korona ng pagiging Horror Queen kay Kris Aquino?

In demand kasi sa ganung genre ngayon si Iza at ang pinaka-latest nga niyang movie ay ang Ilawod, ang bagong horror film ng Quantum Films na director ang kilalang rom-com expert na si Dan Villegas.

Pero nang banggitin niya ang nasabing title may nagpaalala kay Iza na ‘yun ang ibinigay na title kay Kris noong sunud-sunod na horror film nito.

“Oh my God, nakakahiya! Hindi, sa kanya na ‘yun. Empress na lang. Or hiramin ko muna.

“Pero kung willing siyang ipasa, tatanggapin ko nang buong-buo. Pero ite-text ko muna, guys. Pwede rin namang Horror Empress or Horror Princess. Ang bata! Mag-isip na lang kaya tayo ng iba,” biglang bawi niya kahapon nang pag-usapan nga ang tungkol sa title niya dahil 15 years na raw siya sa showbiz pero wala nga siyang title.

Anyway, wala nang ilangan factor sa kanila ni Ian Veneracion na partner niya sa Ilawod. Sila rin ang gumaganap na mag-asawa sa Kapamilya serye na A Love to Last. Ayon kay Ian na itinanggi ang pagli-link sa kanila ni Jessy Mendiola, kabisado na nila ang galaw ng isa’t isa.

Kaya kahit sa gapangan scene nila sa pelikula ay naging madali na.

Kasama rin sa movie na palabas sa January 18 sina Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat, and Harvey Bautista.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with