^

Probinsiya

Pusher tumangging sumuko, nilikida

THE EAR - Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 43-anyos na drug peddler na tumangging sumuko sa Oplan Tokhang matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay La Opinion sa bayan ng Nabua, Camarines Sur noong Sabado ng gabi. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Sandy O. Benegas, nasa ikatlong prio­rity target ng Nabua PNP sa municipal drug watchlist. Nabatid na si Benegas ay binisita na ng mga tauhan ng pulisya kaugnay sa Oplan Tokhang subalit hindi ito sumuko. Sa police report na nakarating sa Camp General Simeon Ola, nagpapahangin sa labas ng kanyang bahay ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang naka-bonnet at naka-jacket na agad tumakas lulan ng motorsiklo. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng baril habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat.

vuukle comment

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with