Ronda qualifying race kasado na sa Nov. 6
MANILA, Philippines – Idaraos ng LBC Ronda Pilipinas 2017 edition ang isa sa dalawang qualifying races sa Nobyembre 6 na makakasabay ng LBC Giro de Pilipinas sa Subic Bay.
Makakasama sa culminating event, ang pinakamalaking cycling race sa Pilipinas na magsisimula sa Norte sa Ilocos region sa Pebrero 4 at magtatapos sa Iloilo City sa Marso 4 ng susunod na taon, ang kabuuang 30 siklista.
“The top 30 cyclists in the LBC Ronda Pilipinas Subic qualifying race will make it to the main Ronda event in February next year,” sabi ni Jingo Hervas, nasa kanyang ikalawang taon bilang LBC Ronda Pilipinas race director.
Ang hindi makakasama sa grupo ay maaari pang lumahok sa final qualifier sa Bacolod City sa Disyembre 4 na makakasabay ng Dans360 Beynte bike event.
Ang 60 qualifiers ang makakasama ng higit sa outright qualifiers na 50-man pool.
“Those who are automatically in, they should claim their slots by registering,” paalala naman ni Hervas.
Sa kanilang pang-pitong edisyon, ang 12-stage main event ay magbibigay sa magkakampeon ng premyong P1 milyon galing sa presentor LBC at mga major sponsors na Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen at may basbas ng PhlCycling sa ilalim ni president Abraham “Bambol” Tolentino.
Ang mga nais lumahok ay maaaring bumisita sa official Facebook page ng Ronda para i-donwload ang registration form.
- Latest