^

Metro

Parak na aktibo sa ‘Tokhang’, utas sa tandem

ESSENCE - Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Parak na aktibo sa �Tokhang�, utas sa tandem
Dead-on-arrival sa Philippine Army Hospital ang biktimang si P03 Alberto Canon, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-7) ng Parañaque City Police. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa batok at balikat.
File photo

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis matapos itong tambangan ng riding-in-tandem habang papasok ito sa kanyang duty, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Dead-on-arrival sa Philippine Army Hospital ang biktimang si P03 Alberto Canon, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-7) ng Parañaque City Police. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa batok at balikat.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Jose Carumba, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insi­dente alas-8:00 ng gabi sa West Service Road, malapit sa Zuelig Corporation sa Brgy. Sun Valley ng nasabing lungsod.

Minamaneho ng biktima ang motorsiklo nito papasok para mag-duty at habang binabagtas ang naturang lugar ay biglang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka lulan ang dalawang suspects, isa sa mga suspect ang bumunot ng baril at walang sabi-sabing pinaputakan si Canon.

Pagkatapos ay mabilis na tumakas ang mga suspect at ilang mga bystander  ang nagdala kay Canon sa naturang ospital, ngunit idineklara itong DOA ng mga doktor.

May hinala ang pulisya, na posibleng may kinalaman ang pananambang sa biktima hinggil sa bantang natatanggap nito dahil sa sunud-sunod na pagsasagawa nila ng ‘Oplan Tokhang’ laban sa mga sangkot sa droga.

Aktibo umano si Canon sa isinasagawang operasyon laban sa mga ‘tulak’ at addict’ at nito lamang Miyerkules ay may tatlong kalalakihan itong  naaresto.

vuukle comment

UTAS SA TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with