^

Dr. Love

Nagrebelde

WHAT MATTERS MOST - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

If possible, please hide my true identity. Tawagin mo na lang akong Riz, 19 anyos at isang high school graduate. Hindi na ako nakapagpatuloy ng college, hindi dahil wala kaming pera kundi dahil sa aking pagrerebelde sa magulang.

Matalino po ako. Katunayan, nag-graduate akong salutatorian sa school. Kaso mahigpit ang aking mga magulang at pinagbawalan akong mag-boyfriend. May magandang balak kami ng boyfriend ko na magtapos ng kolehiyo bago maging seryoso.

Nagde-date lang kami sa restaurant at namamasyal sa park at wala nang hihigit pa roon. Pero nang malaman ng mga parents ko ay binawalan nila akong makipagkita.

Dahil dito, ako na ang nagpasyang huwag na lang mag-enrol at palagi na lang akong nasa bahay. Hindi na ako napilit ng mga magulang na mag-enrol kaya isang taon na akong naka-miss ng pag-aaral sa college.

Hindi kami nagkikita ng boyfriend ko, kundi text-text lang. Tama po ba ang pasya ko? Wala kasi sa katuwiran ang paghihigpit nila?

Riz

 

Dear Riz,

Sinayang mo ang isang taon, matalino ka pa naman. Pero ‘di pa huli ang lahat kaya mag-enrol ka na sa susunod na pasukan para hindi mo makatamaran ang pag-aaral.

Huwag kang magrebelde dahil tama naman ang magulang mo. Puwede naman pala kayong mabuhay ng boyfriend mo na text-text lang eh, ‘di sumunod ka na lang sa mga magulang mo na ang gusto ay para sa kabutihan mo.

Kung matatapos ka ng pag-aaral, para sa kabutihan mo rin iyan.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with