Win No.12 asam ng La Salle
MANILA, Philippines – Tatargetin ng De La Salle University ang kanilang pang-12 sunod na panalo sa Season 79 ng UAAP men’s basketball tournament.
Lalabanan ng Green Archers ang Red Warriors ng University of the East ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang bakbakan ng National University Bulldogs at University of the Philippines Maroons sa alas-4 sa Smart Araneta Coliseum.
Nagmula ang La Salle sa 43-point win, 99-56, sa University of Santo Tomas noong nakaraang Linggo.
Ang panalo sa Red Warriors ang maglalapit sa Green Archers sa pambihirang 14-game sweep na magbibigay sa kanila ng outright finals berth.
Ipinakita ng La Salle ang kanilang lakas sa nasabing pagdurog sa UST sa fourth quarter nang isabak ang mga malalaking sina Cameroonian Ben Mbala, Fil-Ams Abu Tratter, Julian Sargent, Jason Perkins at Pampanga-born Mark Dyke.
“We want to show what this team in capable of and stay unpredictable as how coach wants it,” sabi ni Louie Gonzales, ang first assistant ni head coach Aldin Ayo.
Desperado naman ang UE na makasilip ng tsansa sa isa sa huling dalawang silya sa Final Four.
“Mathematically, until the (higher ranked) teams get seven wins, we still have a shot. For sure, we’ll still play hard and go for the win, no matter what happens,” wika ni Red Warriors’ mentor Derrick Pumaren.
Nauna nang tinalo ng La Salle ang UE sa first round, 84-78, kung saan napatalsik sa laro si Ayo at napatawan ng one-game suspension.
Ito ay dahil sa paghabol ni Ayo na maisuot sa referee ang isang salamin bunga ng isang non-call.
- Latest