^

Probinsiya

6-anyos ni-rape slay ng 14-anyos

ARANGKADA - Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
6-anyos ni-rape slay ng 14-anyos
Itinuro naman ng 14-anyos na suspek ang anak na nasa ilog subalit patay na ang bata na may mga sugat ang katawan.Naniniwala naman ang ina na ang nakasalubong na batang lalaki ang pumatay sa biktima na sinasabing ginahasa muna. Kinabukasan ay agad namang nasakote ang suspek na ngayon ay nanatili sa Kidapawan Custodial Center.
File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Patay na nang matagpuan ng ina ang kanyang 6-anyos na anak sa gilid ng ilog malapit sa kanilang bahay sa Barangay Balabag, Kidapawan City sa North Cotabato, kamakalawa.

Nabatid na nagpaalam sa kanyang ina ang biktimang si Joyce Adang para magbawas sa likurang bahagi ng bahay subalit ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi na ito nakauwi.

Gayunman, kinabahan si Nanay Mercy kaya kaagad na hinanap ang anak kung saan nakasalubong naman nito ang batang lalaki mula sa masukal na bahagi ng ilog at nagpatulong na hanapin ang biktima.

Itinuro naman ng 14-anyos na suspek ang anak na nasa ilog subalit patay na ang bata na may mga sugat ang katawan.

Naniniwala naman ang ina na ang nakasalubong na batang lalaki ang pumatay sa biktima na sinasabing ginahasa muna.

Kinabukasan ay agad namang nasakote ang suspek na ngayon ay nanatili sa Kidapawan Custodial Center.

Sa kasalukuyan ay wala pang nagpapakitang kamag-anak para kunin ang suspek sa pangangalaga ng CSWD

Napag-alamang nakakulong ang ama ng suspek habang nasa Maynila naman ang ina nito.

vuukle comment

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with